Kwentong Himpapawid


Pinangarap kong maging astronaut; pinangarap kong makasakay ng space shuttle
Pinangarap kong libutin ang mundo; pinangarap kong sumakay ng eroplano
May mga pangarap na hanggang pangarap lang para sa ordinaryong tao
May mga pangarap naman na abot kamay lang basta may tiwala, sikap, at tiyaga

Hindi ako naging astronaut; hindi ko pa rin nalibot ang buong mundo
Subalit kung bibigyan ako ng pagkakataon, isa lang ang gusto ko…ikaw (maka-segue lang)
Nais kong aktual na malaman ang dibersidad ng mga tao, lugar, at kultura
Habang ginagamit ang talentong ipinagkaloob sa akin ng Diyos

Para sa akin, madali na lang gumawa ng “Kwentong Kapatagan” at “Kwentong Karagatan”
Nasubukan ko na kasing sumakay ng bisikleta, traysikel, trolley, dyip, bus, at tren
Nasubukan ko na ring sumakay ng bangka, motor boat, barko, at ferry (Sakay na!)
Subalit ano bang meron sa himpapawid? Ayan ang gagawaan ko ng kwento…

Taong 2009 nang una akong nakasakay ng eroplano palabas ng Pilipinas
Katulad ko ay may kanya-kanya ring baon ang lahat ng first timers
Ang appetizer ay ang isa sa mga scenes sa pelikulang Final Destination
Ang main course ay excitement na may desserts na kaba. Bago kumain, nagdasal muna ako.

Hindi ako binigo ng kauna-unahan kong pagtikim sa himpapawid
Manila to Singapore, isa sa mga una at smooth flight na naranasan ko
Credits kila Orville at Wilbur sa pag-imbento nila ng eroplano
Credits sa Diyos sa paglikha ng mala-bulak na ulap at magagandang tanawin sa kapatagan

Singapore to India, ito naman ang pinaka-turbulent flight
Ang pagbagtas sa ulap ay tulad ng mga inaayos na kalsada bago mag-eleksyon
Mahirap tahakin dahil sa lubak-lubak na sistema ng gobyerno
Anu-ano’t pa man ang mangyari, patutungo pa rin ng matiwasay sa destinasyon

Iba’t-ibang tanawin magmula sa taas ang makikita sa bawat patutunguhan
Naaalala ko pa yung view from the top during night time ng India
Maaya dahil sa madami at maliliit na ilaw na nagkukumpulan sa madilim na espasyo
Habang itinatanong sa sarili kung ano ba ang idudulot na liwanag ng mga tao sa baba

Detroit to Seattle, unang re-route flight experience dahil sa technical difficulties
Kakaibang ganda naman ang view ng Seattle from the top, simpleng patag na may puno at lakes
Kung mayroong pinaka-relaxing na view, Seattle iyon para sa akin
Kung mayroong tsansa na maulit, nanaisin ko nang lumapag sa Seattle sa susunod

Dallas to Houston, napabukambibig ng infamous lineHouston, we have a problem.
Wala namang problema sa flight; ang problema ay ang sumunod na connecting flight
Sa kabilang banda, blessing in disguise na rin sa kadahilanang kasama ka
Isa sa mga pagkakataon na ni-recall ko ang linyang, “Houston, we really don’t have a problem.

Manila to Los Angeles, flight na wala akong maalala kung hindi ang mga alaalang naiwan sa Pinas
Kaya siguro nagmukhang Chocolate Hills sa paningin ko ang malabunduking tanawin ng LA from the top
Tinimplahan pa ng mga sangkap na sa Pilipinas lang matatagpuan…ang pamilyang Pinoy
Kay tagal ko mang nawala, babalik pa rin, babalik pa rin (In the tune of Gary Valenciano’s song)

On the wings of love

Kwentong Himpapawid

Hindi naging perpekto ang unang palitada ng aking karanasan sa himpapawid
Subalit maituturing ko itong isang pangyayari na hindi basta-basta makakalimutan
Mga alaala na patuloy na itatago sa baul at sa Kwentong Himpapawid ko lang naibahagi
Mga alaala na hindi na mabubura dahil permanente nang nakaimprenta sa puso’t isipan

Ang binasa mo ngayon ay sinimulan kong gawin sa flight PR 105 ng Philippine Airlines
Resulta ng labing-apat na oras na biyahe patungo sa bayang sinilangan
Salitan akong nagsulat ng blog at nagbasa ng libro ni Buckingham at Clifton
Habang nakinig sa mga awitin ng Third Eye Blind (pakibasa ng Kwentong Third Eye Blind)

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s