Bizkit (2002-2009)


“Shake hands. Appear. Kiss. Shy. Bless. Roof top. Bite. Daga. Aray.”

Tuta pa lang, makulit at makahol na. Maamo. Alam kung sino ang amo at hindi. Dumaan at nakaligtas sa mga sakit noong tuta pa. Katunayan na malakas at palaban at hindi basta-basta susuko.

Naging bahagi na ng pamilya. Napagdaanan at nakilala ang mga nawala at umalis na sa pamilya. Patuloy na tumatak na bahagi ng pamilya.

Bizkit (2002-2009)

Bizkit (2002-2009)

Bizkit. Kumbinasyon ng asong may lahi at asong kalye. Pinalaking “trained” at “spoiled”. Maraming alam at natutunang tricks. Mahilig sa masasarap na pagkain. Mapili. Pihikan. Maarte.

Bizkit. Babae. Malinis sa sarili. Naranasang manganak minsan ng malulusog na tuta. Lahat ipinamigay.

Bizkit. Notorious sa mga tao at kapitbahay. Kinatatakutan dahil sa kahol. Kasabay ng kahol nito ay ang pagkampay ng buntot. Isang senyales na kumakahol lang upang ipaalam na may tao at hindi para mangagat. Matapang.

Tumanda na, hindi pa rin nagbago ang pag-uugali. Subalit, umabot na rin sa punto na humina na. Nagkasakit. Naubusan ng lakas. Hindi na makatayo.

Ika-4 ng Abril taong 2009, 12:15 ng umaga. Nilapitan. Tiningnan. Hinawakan sa nuo. Pumilit tumayo. Bumagsak. Pinainom sa kutsara. Kinausap. Tumingin. Naluha ako. Si Bizkit, lumalaban.

Ika-4 ng Abril taong 2009, 6:30 ng umaga. Nilapitan. Nilinisan at pinunasan. Pinagmasdan. Nag-usap sa pamamagitan ng mata. Hinaplos ang noo ng maka-ilang beses. Pumatak ang luha sa sahig. Si Bizkit, nauubos na ang lakas.

Ika-4 ng Abril taong 2009, 8:30 ng umaga. Si Bizkit, bumigay na ang katawan. Wala na. Di na humihinga.

Ilang taon na rin ang napaglipasan at nasaksihan. Ilang tao na rin ang kinahulan at inamuhan. Si Bizkit ang kauna-unahang aso na tumagal sa amin. Pitong taon sa taon ng mga tao o apatnapu’t isang taon sa taon ng mga aso. Si Bizkit na naging isang alaga, kaibigan, at kapamilya.

Inilagak ang kanyang mga labi sa isang maliit na espasyo katabi ni Brownie (2005-2008).

“Shake hands. Appear. Kiss. Shy. Bless. Roof top. Bite. Daga. Aray.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s