Personal Favorites: Quotes from Bob Ong’s Kapitan Sino


Ilang araw ko rin inantabayanan at binalik-balikan sa National Bookstore ang bagong aklat ni Bob Ong. Subalit hindi ko man lang naalinagan ang pabalat ng aklat niya sa mga estante. Sabado, ika-16 ng Mayo taong 2009, nang maisipan kong dumaan at maghanap sa Powerbooks. Sa wakas, nakita ko na rin ang aking hinahanap. Nakalatag sa isang patungan ang lahat ng mga aklat na naisulat ni Bob Ong kasama na dito ang pinakabago niyang likha… ang Kapitan Sino. Bumili ako ng isang kopya sa halagang 175 pesos. Sulit? Oo.

ย 

Kapitan Sino (2009)

Hindi na babalik ang dati. Walang gamot na makakapagbalik ng dati. At wala tayong duktor.

Kung may kapangyarihan ka nga, pangsagip man ng buhay ng tao o pamperya, dapat ginagamit yan!

Kung ano yung meron ka ibinabahagi mo sa iba, kung ano yung kaya mo ginagawa mo. Yun yon eh!

Ba’t ka umaalalay sa matanda sa pagtawid sa kalsada? Kasi kaya mo. Ba’t mo pinupulot ang batang nadadapa? Kasi kaya mo. May lakas ka para itama ang mali, para tumulong sa mahihina….

Masyado ka namang matanong! Anong grade ka na ba? Bawal pa sa’yo magbasa nang magbasa!

Wala akong paningin. Hindi ako nakakakita ng maskara. Kung sino ka talaga, yun lang ang nakikita ko.

Dahil maraming pwedeng magkagusto sa’yo nang di ikaw ang nakikita nila kundi kung ano ang itsura mo.

Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.

Sabi ng tatay ko dati, wag daw akong malungkot dahil mga panlabas na anyo lang ang di ko makikita, pero mas makikilala ko ang mundo sa kung ano ito dahil di ako mabubulag ng mga anyo.

Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.

H-higit k sa maganda… higit sa mak… sa makikita ng mata at matatanaw ng diwa…higit sa maipipinta ng awit…at malililok ng salita…higit sa malilipad ng pangarap at masisisid ng tula…higit ka sa pinakamagandang katha.

May kapangyarihan ka, pero hindi mo hawak ang buhay ng tao.

Itigil mo ang ginagawa mo kung hindi ka masaya. Hindi ka yayaman dyan. Ni hindi mo yan makukuhanan ng pambayad ng kuryente. Hindi ka magkakaroon ng pagkakataon umibig at ibigin. Magliligtas ka ng mga di mo kaanu-ano, at makakasakit ka ng mga kadugo. Sabay mong lalabanan ang sariling kahinaan at iiwasan ang paglamon sa’yo ng sobrang kapangyarihan. Magmaskara ka man o hindi, huhusgahan ka ng mga tao. Hindi ka pasasalamatan ng trabaho mo, uulit-ulitin nya lang ang sarili nya.

Hindi ka bayani dahil sa mga kaya mong gawin. Bayani ka dahil sa mga ginawa mo.

Kung lahat lang ng tao may kapangyarihan, eh di sana lahat tayo bayani.

Kung lahat ng tao may konsensya, hindi kailangan ng bayani.

Hindi hawak ng tao ang buhay, pero hawak ng tao ang kapangyarihan para hindi pahirapan ang ibang tao.

ย 

Kung nais mong mabasa ang iba pang paborito kong quotes mula sa lahat ng mga naunang aklat ni Bob Ong, maaari mong bisitahin ang post na ito: Personal Favorites: Bob Ong Quotes

16 thoughts on “Personal Favorites: Quotes from Bob Ong’s Kapitan Sino

  1. astig talaga yung sinabi nya nahh.!!!!

    hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.

    san ka pah..!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s