Salamat sa Iyo


Nagagalak ka ba sa kadahilanang humihinga ka pa ngayon? O hindi mo lang alintana ang bagong araw na ipinagkaloob sa iyo? Napagtanto ko lang habang nakasakay ako sa dyip kanina, na papaano kung hindi na ako nakabangon ng may buhay pa? Magagawa ko pa kaya itong binabasa mo ngayon?

Sa tingin ko na nararapat lang talaga na magpasalamat tayo sa Kanya araw-araw. Ako, hindi ko nakakalimutang magpasalamat dati. Subalit napansin ko nitong mga nakalipas na linggo na sa tuwing babangon ako mula sa aking higaan, ang unang kong iniisip ay kung ano ang mga dapat kong gawin at tapusin sa araw na yun. Maling-mali. Pero, ano ba talaga ang tama? Sa tingin ko, masasagot mo na yan.

Ano ba ang mga nangyari kanina? Teka, balikan nga natin…

  • …bumangon mula sa higaan at nagbukas ng Computer
  • …naglaro ng Tribal Wars at nag-log-in sa Friendster
  • …naligo, nagbihis, at umalis ng bahay para pumasok sa trabaho
  • …sumakay ng dyip at na-traffic (eto ang kadahilanan kung bakit may binabasa ka ngayon na bagong post sa blog ko)
  • …pagdating sa trabaho, nagbukas ng Computer
  • …nagtrabaho (ang detalye ay hindi ko na maaaring ibahagi sa kadahilang seguridad)
  • …umuwi pero dumaan muna sa Krispy Kreme kasama ang mga kaibigan
  • …nagpunta sa Tom’s World at naka-jackpot sa isang laro na hinuhulog ang maliit na bola sa mga butas na de-numero
  • …sumakay ng bus pauwi at na-traffic na naman
  • …nag-foodtrip sa bahay kasama ang pamilya
  • …nanuod ng Korea nobela katuwang ang kapatid kong babae
  • …pagkatapos nun ay nanuod naman ng Nacho Libre
  • …nagbukas ng Computer at kasalukuyang isinusulat ang binabasa mo ngayon

Ilan lang yan sa mga nagawa ko ngayong araw na ito at hindi ko yan lahat magagawa kung wala na akong buhay ngayon. Kung kaya’t para sa akin, mahalaga talaga ang buhay ng tao. Mahalagang maisip natin yun kahit paminsan-minsan lang o mas mainam kung madalas.

May mga tao na alagang-alaga sa kanilang kalusugan at pangangatawan; may mga kumakain lang ng purong gulay; may mga umiiwas sa matatamis at mamamantikang pagkain; at may mga nag-e-ehersisyo araw-araw. Tamang-tama. Pero may mga mali nga ba? Sa tingin ko, masasagot mo pa rin yan.

Isinulat ko ito hindi para diktahan ka kung ano ang nararapat mong gawin sa buhay mo. Isinulat ko ito upang ibahagi sa’yo na masarap mabuhay sa mundo kahit na marami tayong problema na pinagdadaanan. “Huwag na huwag mong sasayangin ang kada-segundo na nilalagi mo dito sa mundong ibabaw. Sulitin mo.” Joel Buensalida

Ilang oras na lang ay matutulog na naman ako at umaasa na bukas ay isang bago at magandang umaga ang naghihintay sa akin at sa aking pamilya.

One thought on “Salamat sa Iyo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s