push / build / defend


Anim na buwang nanahimik sa pagsusulat. Writer’s block? Hindi. May ibang bagay lang akong pinagkaabalahan. Isang bisyo na nagbigay sa akin ng kasiyahan sa mga panahong kinakailangan ko. Isang bisyo na nagbigay sa akin ng pagkakataon na mas lalong makisalamuha sa mga taong dati ko nang kilala at sa mga taong nakilala ko kahit di ko pa nakikita.

Masaya. Kakaibang-high at adrenalin rush. Masarap. Kaabang-abang. Nakakalibang. Nakaka-addict.

Ewan ko ba, kung kailan pa nagka-edad ay tsaka pa ako nahilig sa ganun. Siguro, ayun ang isa sa mga na-missed kong gawin noong mga panahon na ako’y nakakulong at nakatali pa sa tinatawag nilang “pag-ibig”. Pero wala naman sa System Requirements ng CABAL Online ang edad ng tao kung kaya’t ako’y nahikayat na sumubok na laruin ang online game na ito. Ang mga may sala: Marvin Samaniego at Vladimir Aaron Baesa. haha

Ilang role-playing games na rin ang nalaro ko dati pero kakaibang addiction ang naidulot sa akin ng CABAL lalong-lalo na ang “Tierra Gloriosa”. Ano nga ba ang “Tierra Gloriosa”? Susubukan kong ipaliwanag sa paraang mauunawaan ng mga babasa nito na di pa nakakasubok maglaro ng CABAL.

Game.

Kung ang tawag sa pera ng Pilipinas ay piso, ang sa CABAL naman ay Alz.
Kung ang NBA ay may Eastern Conference at Western Conference, ang CABAL ay may Capella at Procyon.

Ang “Tierra Gloriosa” o “Mission Nation Wars” ay labanan ng Capella kontra Procyon. May tatlong bracket sa “Tierra Gloriosa”: Level 95-129, Level 130-149, Level 150-170. Yung Level 127 na Force Shielder character ko ay lumalaro sa Level 95-129. Siya si “misterpogito”. Isang Procyon na nasa Venus Server.

Bago makapasok at makapaglaro sa Mission Nation War ay dapat mayroon kang 1,000,000 Alz. Ito ang magsisilbing entrance fee mo. Nagaganap ang Tierra Gloriosa tuwing 2AM, 6AM, 10AM, 2PM, 6PM, 10PM. Ang pakay ng laro ay basagin ang mga Legacy Guardians (Small, Medium, Large) at Ensign ng kabilang panig at masakop ang mga Legacy Barriers at Base neto. Pataasan ng puntos ang magiging basehan ng pagkapanalo. Ang panig na may makukuhang mataas na puntos ay makakakuha ng War Experience Points (WExp), Alz reward, at Capsule.

Ganyan ang “Tierra Gloriosa” in a nutshell.

Malamang nagtataka ka na ngayon kung anong kinalaman ng pamagat ng post ko sa CABAL at sa pang-araw-araw na buhay natin? Kung ang sagot mo ay “Hindi”, panuorin mo muna ‘tong video. Kung ang sagot mo ay “Oo”, certified CABAL player ka nga.

push / build / defend, ayan ang pinauso kong tagline sa bracket Level 95-129 Venus Server. Bakit? Naisip ko lang na mas madaling sundan at intindihin ang tatlong salita na yan kumpara sa kung anu-ano pang mahahabang litanya na tina-type sa war chatroom na kung pagsasamasamahin mo eh dyan din sa tatlong salita ang bagsak.

push – isang wave na pag-atake para mabilis masakop o mabasag ang mga Legacy Barriers/Legacy Guardians at Ensign.
build – pagtayo ng mga towers katulad ng Resurrection, Warp, Attack Up, HP Down, atbp. kapag nasakop o nabasag na ang Legacy Barriers/Legacy Guardians at Ensign.
defend – pagbantay sa mga nasakop na Legacy Barriers at Ensign.

Tatlong salita na susi sa pagkapanalo sa “Tierra Gloriosa”. Dyan lang dapat iikot ang mundo mo kung isa kang tunay na Capella o Procyon na di gumagamit ng kahit anong klaseng hack sa laro.

push / build / defend, sa tingin ko ay maaari rin eto i-apply sa pang-araw-araw na buhay natin. Hahayaan na lang kita mag-isip at magmuni-muni kung papaano. “Life is a game you play everyday. It’s either winning or losing on the way.” Joel Buensalida

4 thoughts on “push / build / defend

  1. haha.. nakakatuwa.. kahit na hndi ako gaano naka-relate.. hmm.. naririnig ko na to sa mga classmates ko pero di din nmn uso.hihi.. ge.ge.. keep it up..:)

    be happy.:):)

  2. Joel B. sensya wa tlga ako macomment ahaha…i dont play games tlga n gan2. i saw the video at mukhang mahihilo lng ako sa ganon…pang-Mario lng ako…ahaha…nways re dun sa life application, pwede, pwede at tingin ko pwede tlga!!!

    1. salamat sa comment (kahit parang napilitan ka lang). haha

      applicable yang “push / build / defend” sa pang-araw-araw na buhay natin. halimbawa, sa career mo. kung nais mong makuha ang mga pinapangarap mo sa buhay, kailangan mong kumayod at magtiyaga – push! pagkatapos, kailangan mo namang ipagpatuloy ang maayos na pagsisimula mo – build! kapag nasa maayos na estado ka na, kailangan mong protektahan ang naitayo mong haligi. sa kadahilanang maraming susubok na tumibag nito. – defend!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s