To Do’s: (1) Watch new movies and videos


Ika-19 ng Hunyo taong 2010 nang pinanuod namin ng kapatid kong babae ang isang pelikula ni Adam Sandler at Seth Rogen. Ang titulo ng pelikula ay Funny People (2009). Napanuod mo ba ang 1988 film nila Tom Hanks at Sally Field na Punchline? Kung oo, halos magkaparehong genre lang ang dalawang pelikula na iyan. Kung hindi, ito yung trailer sa YouTube. Para sa akin, ang Funny People (2009) ay isang pelikula na tumatalakay sa pagpapahalaga sa sarili, mga kaibigan, at pamilya. Aba teka nga, paanong masasabing “funny people” kung sa pananaw ko pa lang ay parang seryosong pelikula na..? haha Diyan na papasok ang mga gumanap sa pelikula. Pagsamasamahin mo ba naman sila Adam Sandler, Seth Rogen, Jonah Hill, Jason Schwartzman at iba pang cameos ng mga comedians…ang resulta ay isang comedy film na hinaluan ng drama. Napangiti, napatawa, napag-isip, at natamaan ako ng ilang scenes at linya sa pelikula. Kung mahilig ka sa mga pelikula ni Adam Sandler, this is a must-see movie. Kung hindi, wag mo na lang pag-aksayahan ng panahon na panuorin ito. “Let’s play the peanutbutter game.”

Kinahapunan, pumunta naman kami sa MovieWorld ng Robinson’s Galleria para manuod ng 2010 remake ng The Karate Kid. 1980s baby ka ba? Malamang napanuod o alam mo ang kahit katiting na istorya ng orihinal na The Karate Kid (1984). Ako, hindi ko na maalala kung napanuod ko yung original series kung kaya’t hindi ko maikumpara kung alin ang mas magandang bersyon. Sa 2010 version, magaling ang pagkakaganap ni Jaden Smith. Parang nasapawan niya nga si Jackie Chan sa buong pelikula. Wala itong makikinang na special effects, tanging ang istorya at ang mga artista lang ang nagdala. Isa itong feel-good movie na hindi mo dapat palampasin. Pelikula na magbibigay sa’yo ng pag-asa sa buhay. Pelikula na magbibigay sa’yo ng mga leksyon sa mumunting paraan. “Empty your mind. Focus.”

Isa pang pinagkaabalahan ko nuong Sabado ay ang panunuod ng mga bagong movie trailers, brutal UFC & boxing knockouts sa YouTube. Isang movie teaser ang nangibabaw sa akin, ito ang The Smurfs (2011). Sila yung mga small blue creatures na parang dwarfs. Alam ko isa itong television series dati. Subalit ngayon ay isa na itong “in production” na pelikula na target ipalabas worldwide sa Summer ng 2011. Bukod sa mga trailers, binalikan ko rin ang mga laban at knockouts ni Manny Pacquiao sa YouTube. Nagagalak kong sabihin na lumaki ako sa kapanahunan at kasikatan ni Pacman na kung saan ay nasubaybayan ko ang mga laban niya. Isa na siyang alamat sa larangan ng boxing. Siya ang kauna-unahang boksingero sa history na nanalo ng pitong world titles sa pitong magkakaibang weight divisions. Isang linya lang ang masasabi ko, “Proud ako maging isang Pinoy.”

Ika-20 ng Hunyo taong 2010 nang pinanuod naman namin sa bahay ang Alice In Wonderland na pinagbidahan ni Mia Wasikowska (Alice), Johnny Depp (Mad Hatter), Helena Bonham Carter (Red Queen), at Anne Hathaway (White Queen). Actually, dalawang beses ko pinanuod itong pelikula sa loob ng isang araw. Nakakaumay? Hindi naman. Masarap kasi ulit-ulitin. Nung first showing niyan sa bahay ay nag-wa-war kasi ako sa CABAL habang nanunuod. Hindi ko tuloy naintindihan masyado yung simula. Nakakalibang panuorin ang Alice In Wonderland lalo na ang iba’t-ibang characters ng pelikula. Full house nga kami nang pinanuod namin iyon. Lahat ng pinsan kong bata kasama na sila nanay at tatay ay tutok na nanuod hanggang katapusan. This is also a must-see movie kung sakaling hindi mo pa napapanuod. Thumbs up ako sa storyline at effects. Marami ring moral lessons na matututunan at ma-a-apply sa totoong buhay. Kung nais mong ma-entertain, panuorin mo iyang pelikula kasama ang pamilya mo. “You’re just a figment of my imagination.”

Kung mapapansin mo ang titulo ng blog post ko, una pa lang itong entry sa binubuo kong listahan na may pamagat na, “Anong mga gagawin mo kung sakaling mayroon ka na lang humigit kumulang anim na buwan…?” Ikaw, anong mga gagawin mo?

4 thoughts on “To Do’s: (1) Watch new movies and videos

  1. Kudos! Nagustuhan ko tong entry mo…. Ü
    ako, mdame ako gusto gwen sa buhay ko…
    travel. sky diving. take piano/organ lessons. sumali sa ‘wipeout’. heheh! bsta! Try to learn new things pra nde nmn boring ang buhay! Ü

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s