To Do’s: (2) Visit grandmother’s grave


Isang taon at kulang-kulang siyam na buwan na ang nakalipas nang huling masumpungan ko ang mga labi ng aking lola.  Mga labi na nakahimlay sa isang kabaong; kabaong na hindi ko na muling nakita. Isang katotohanan na wala na siya sa mundong ibabaw at paniguradong nasa ibang dimensiyon na siya ngayon…nakangiti at umaawit ng paboritong niyang kanta.

Kung bibilangin ang dami ng beses ng pagdalaw ko sa kanyang pinaglibingan, nakakahiyang sabihin na dadalawang beses pa lang. Kahapon naganap ang ikalawang beses ng pagbisita ko sa sementeryo. Kasama ko sila Nanay, Joy, Tiyo Nestor, Tiya Linda, at Lyneth. Ang pagpunta ko sa sementeryo ay hindi planado. “Impromptu” kung sabihin nga nila sa wikang Ingles.

Ika-2 ng Hulyo taong 2010 nang pumunta kami sa sementeryo. Sa araw ding ito ipinagdiriwang ang ika-437th founding anniversary ng Pasig City. Maulan ang panahon bago kami umalis ng bahay. Mga isang kilometro magmula sa lugar namin ay tila di man lang nabasa ang kalsada. Naging maalinsangan ang panahon. Mainit.

Bago pumasok sa cemetery proper, bumili kami ng mga kandila at bulaklak. Sinimulan naming lakarin ang daan patungo sa Saint Mark 18 area. Ito ang 5-minute walk namin patungo sa pinaglibingan kay lola.

Reality bites…”death is inevitable”. Kapag dumating yung oras ko, mas nanaisin kong i-cremate ang mga labi ko. Pero sana matagal pa yan. Marami pa akong gustong gawin sa buhay. Katulad nga ng sinabi ko sa blog post na Salamat sa Iyo, “Huwag na huwag mong sasayangin ang kada-segundo na nilalagi mo dito sa mundong ibabaw. Sulitin mo.” Joel Buensalida

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s