Personal Favorites: Starbucks’ Frappuccino and Hot Chocolate


Hindi ko na maalala kung kailan ang unang pagbili ko ng Frappuccino® o Hot Chocolate sa Starbucks. Isang bagay lang ang masisigurado ko, ang kauna-unahang beses ng pagdampi sa mga labi ko ng Starbucks blended coffee ay nang makapagtrabaho na ako. Bakit? Ito ang mga dahilan ko DATI <wink>: (1) Para sa akin, luho ang pagbili ng kape sa Starbucks o sa kahit anong coffeehouse at (2) Hindi ako mahilig masyado sa kape lalo na yung puro. Isa lamang akong occassional coffee drinker. NGAYON, nagbago na yung pananaw ko, mas kailangan ko pala ng kape. haha   

Security guard <mouthing>: “Good morning, sir!”
Joel: <hindi sumagot pero tumango habang nakikinig ng Parokya Ni Edgar’s Batangas Coffee song sa iPod>
Starbucks employee 1: “What’s your order, sir?”
Joel: “One Java Chip Frappuccino®, please. Tall.”
Starbucks employee 1: “Is it For here or To go?”
Joel: “To go.”
Starbucks employee 1: “Do you want anything else?”
Joel: “No.”
Starbucks employee 1: “What’s your name, sir?”
Joel: “Joel.” <gusto ko sana magbanggit ng pangalan ng artista haha>
Starbucks employee 1 <shouting>: “One Java Chip Frappuccino® for Joel.”
Starbucks employee 1: “Sir, your bill is 145 pesos.”
Joel: <iniabot ang nakalamukot na 500 pesos>
Starbucks employee 1: “Thank you.” <iniabot ang sukli na 355 pesos>
Joel: “Thank you.”   

Habang inaantay ang in-order na blended coffee, nagtungo muna ako sa Mugs Section. Magaganda yung mugs kaya lang mahal. Bigla ko tuloy naalala yung Starbucks mug ng kapatid ko na nabasag nang hindi sinasadya. Tsk.   

Starbucks employee 2 <shouting>: “One Java Chip Frappuccino® for Joel.”
Joel: <iniabot ang resibo at kinuha ang in-order na Frappuccino na may nakasulat na “Joel” sa plastic container>   

Paulit-ulit lang yan sa tuwing papasok ka sa Starbucks coffeehouse. Saludo ako sa serbisyo ng mga empleyado at two thumbs up ako sa environment. Masarap ang mga produkto lalo na yung beverages na Frappuccino® at Hot Chocolate. Sulit? Pwede na.   

Sa kasalukuyan, ito na ang mga nabisita kong Starbucks branches sa Pilipinas:   

Baguio City – SM Baguio
Units 109-110 SM Baguio, Session Road, Baguio 

Starbucks SM Baguio

Sipping Frappuccino® at Baguio

Makati City – Glorietta 4
Glorietta 4, Theater Lobby, Ayala Center 

Makati City – Tower 6750
G/F 6750 Office Bldg., Ayala Avenue 

Makati City – Makati Stock Exchange
G/F MSE Ayala Avenue 

Mandaluyong – SM Megamall
Megastrip Slot #2, UGF, Bldg. A, SM Megamall 

Mandaluyong – The Podium
18 ADB Avenue 

Tagaytay City – Overlooking Starbucks
Tagaytay City, Cavite 

Starbucks Tagaytay

Sipping Frappuccino® at Tagaytay (Overlooking)

Mandaluyong City – SM Megamall Bridgeway
4th Level, SM Megamall Bridgeway 

Pasig City – Metrowalk
Meralco Avenue, Ortigas 

Quezon City – Araneta Center
Araneta Coliseum, Cubao 

Quezon City – Eastwood
G/F Citywalk 2, Eastwood, Libis 

Quezon City – Robinsons Galleria
4/F Cinema Level, Robinsons Galleria 

May nakita rin akong Starbucks coffeehouse sa Fullerton Road ng Singapore. One Fullerton Kiosk yata yun. Ikaw, anong Starbucks na ang nabisita mo abroad? Sa tingin ko, iba-iba ang blend ng coffee sa bawat kontinente. Anu-ano ang mga paborito mong order-in sa Starbucks?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s