To Do’s: (3) Create a blog post about the Onshore assignment in India


Mag-iisang taon na pala ang nakalilipas nang ako at tatlo pang kasamahan ko sa opisina ang ipinadala sa Bangalore, India upang magturo at magtransisyon ng proyekto sa isang vendor doon. Ika-24 ng Oktubre taong 2009, ang kauna-unahang pagkakataon na lumabas ako ng bansang Pilipinas. Dahil connecting flight, kinailangan muna naming lumipad patungong Singapore at doon naman kami sumakay patungong Bangalore. At dahil sinisipag ako magkwento (at sana sinisipag ka rin magbasa), puwes kukwentuhan na kita ng aking experiences  sa unang Onshore assignment ko.

Manila Ninoy Aquino International Airport: Dalawang o tatlong oras bago ang actual flight ay nandoon na kami nag-aantay. Excited? Hindi masyado. Medyo lang. Marami ka pa palang kailangan gawin bago ka tuluyang makasakay sa eroplano  ̶  pipila, magfi-fill-up ng forms, pipila, magbabayad, magpapa-scan, mag-aantay, pipila. Sabi nga nila, “Patience is a virtue”. Mga ilang saglit lang, in-announced na yung Flight SQ917 from Manila to Singapore. Sa wakas, nakaupo na rin sa loob eroplano. Kahit sa Economy Class lang ako/kami, maayos at maganda ang ipinakitang serbisyo ng Singapore Airlines.

Singapore Changi Airport: Makalipas ang humigit kumulang tatlong oras na biyahe sa himpapawid (Naks!), nakarating kami ng safe and sound sa Singapore. Habang lumabas pala ako ng terminal, may nakasabayan akong isang Afro-American na lalaki. Syempre hindi ko masyadong pinansin sa pag-aakalang isa lamang siyang common passenger. Maya-maya, may bumati sa kanyang isang cabin crew, “Good afternoon, Akon!” Saan ka pa?! Kasabayan pala namin si Akon sa Flight SQ917. Kagagaling lang yata niyang Manila for a concert. Nga pala, anong unang pumapasok sa isip mo kapag sinabing Singapore? Ako, malinis at maganda. Hindi ako binigo ng aking kasagutan. Sobrang malinis at maayos sa Singapore. Sa Changi Airport pa lang, alam ko na…na hindi ako nagkamali. Medyo mas kaunti ang ginawa ko bago makasakay ng eroplano papuntang India  ̶  nag-antay, nagpa-scan (isinuko ang Adidas na pabangong nasa container, bawal daw kasi! Ang pinagtaka ko lang…bakit nakalusot yun sa NAIA?! haha), nag-fill-up ng forms, nag-antay. Nakasakay kami sa Flight SQ502 from Singapore to Bangalore. Hindi maganda yung panahon…kapuna-puna ang hindi smooth na paglipad ng eroplano sa ere. Natulog na lang ako at nanaginip ng nagluluto ng curry sa loob eroplano.

Arrival at Singapore Changi Airport

Arrival at Singapore Changi Airport

Bengalaru International Airport: Makalipas ang humigit kumulang limang oras na biyahe sa himpapawid (Naks ulit!), nakarating rin kami ng safe and sound sa India.  Maganda at malinis ang Bengalaru Airport. Bago pala mag-land ang eroplano sa airport, nakita ko magmula sa itaas ang Bangalore at night. Ang daming ilaw sa baba na parang mga bituin na nagsisiksikan sa isang galaxy. Naisip ko bigla na isa pala ang India sa populated countries sa buong mundo. Naisip ko rin na…anong klaseng mga tao kaya ang makakasalamuha ko dito sa bagong lugar. Ikaw, anong unang pumapasok naman sa isip mo kapag sinabing India? Huwag mo nang sagutin kung negatibo ang isasagot mo, kasi nagkakamali ka. Sa blog post na ito, gusto kong itama ang pananaw mo sa mga taong naninirahan sa India. Mahilig sila sa spices at ito ang dahilan kung bakit nagdudulot sila ng kakaibang odor. Hindi sila lahat ay ganoon kung kaya’t huwag mag-stereotype. Teka, nasaan na pala si Manju? Siya kasi ang naging personal driver at tourist guide namin habang nasa Garden City kami…ang Bangalore.

Kung ira-rank ko ang tatlong airports, ito ang pagkakasunod-sunod: (1) Singapore Changi Airport, (2) Bengalaru International Airport, at (3) Manila Ninoy Aquino International Airport.

India: Galing sa airport, ipinag-drive kami ni Manju patungo sa Taj Residency Hotel. Maraming arranged weddings kaming nadaanan along the way. Makukulay at makikinang ang selebrasyon nila at sadyang pinaghandaan at pinagkagastusan. Left-hand drive ang mga sasakyan sa Bangalore at maraming rotunda sa kalsada. Sa di kalayuan, natanaw ko ang Taj Residency Hotel. Ang tanging hinanap lang ng katawan ko sa mga oras na yun ay isang kama para makapagpahinga galing sa isang mahabang paglalakabay. At dahil binabasa mo ngayon ang blog ko, isa ka sa maswerteng mambabasa na makakapanuod ng video na nagpapakita ng unang pagkakataon ng pagpasok ko sa Room 619 ng Taj Residency Hotel.

Unang gabi, pagod at bagsak. Ang ikalawang gabi ang pinakamahirap, na-missed ko kaagad ang pamilya, kaibigan, at pati na yung aso ko. Syempre hindi ko na ikukwento ang araw-araw na pangyayari sa akin/amin sa India. Sa mga susunod na talata, pawang mahahalaga at importanteng impormasyon na lang ang aking ibabahagi.

Taj Residency Hotel items

Taj Residency Hotel items

Tatlong oras ang agwat ng oras sa pagitan ng India at Pilipinas. Kung ala-sais ng umaga sa India, alas-nuwebe na ng umaga sa Pinas. Malayo ang biyahe patungo sa vendor na tuturuan namin. Pero dahil may pagkakaskasero si Manju, kinakaya naman ng isang oras ang biyahe. Parang mga kalye rin sa Manila, ang mga kalye sa Bangalore. Kapuna-puna rin ang mga tao dun. Ang mga lalaki ay naka-polo at pantalon. Ang mga babae naman ay nakasuot ng Saris. May mga baka at unggoy kang makikita sa piling kalsada. Sinasamba nila ang mga yan kaya’t tandaan na igalang ang paniniwala ng ibang tao kapag nasa ibang lugar. “When in Rome, do as the Romans do.

Hindi naman mahirap ang linya ng komunikasyon sa bansang India. Basta mayroon kang personal laptop o roaming-enabled phone, ayos ka na. Sa katunayan, nakuha pa naming bumili ng Vodafone simcard kasi di hamak na mas mura ang rate gamit yun. Parang katulad din dito ang bentahan ng simcards, accessible lang sa mga tindahan. Kaya lang kung isa kang dayuhan na bibili ng simcard, kinakailangan mo muna ng local representative bago ka maka-avail. Bakit? Siguro naninigurado lang sila na kung sakaling may utang ka bago ka umalis ng India, mayroon silang hahabulin para singilin. haha

Unpacked Vodafone Simcard

Unpacked Vodafone Simcard

Madami kaming napuntahang magagandang lugar sa Bangalore. Isa sa mga unang napuntahan namin ay ang Bangalore Palace. Ang entrance at tour fee ay 200 rupees (o 200 pesos). Kapag mas bata, mas mura daw ang bayad. Muntik na kong makamura, mukha daw kasi akong bata. Sayang. haha  Ang isa pang palasyo na napuntahan namin ay ang Mysore Palace. Sobrang ganda ng arkitektura ng Mysore. Nalibot namin ang kabuuan at sadyang nag-antay pa kami hanggang alas-siyete ng gabi upang masilayan ang ginintuang palasyo.

Bangalore Palace

Bangalore Palace

Mysore Palace

Mysore Palace

Nagtungo rin kami sa mga temples at sacred places sa Bangalore. Refreshing ang pakiramdam kahit may kahabaan ang mga biyahe. Bago pumasok sa mga temples, kailangang hubarin ang mga pangyapak. Sa tingin ko, pagbibigay nila iyon ng respeto sa kanilang mga Gods at Goddesses.  Malamang nagtatanong ka kung mayroon bang Catholic churches sa Bangalore? Mayroon!

One of the temples in Bangalore

One of the temples in Bangalore

Sri Shveta Varahaswami Temple

Sri Shveta Varahaswami Temple

One of the Catholic churches in Bangalore

One of the Catholic churches in Bangalore

One of the Catholic churches in Mysore

One of the Catholic churches in Mysore

Pumunta rin kami sa Lalbagh Botanical Garden na kung saan nagkalat lang ang mga squirrels. Sa di kalayuan ay isang zoo naman kami naglibot. May 2 kilometro yata kaming naglakad upang maikot ang kabuuan nito. Nga pala, ayun ang unang pagkakataon na nakakita ako ng white tiger. Hindi ko na nilitratuhan kasi bawal ang camera sa loob. Actually, pwede pala kaya lang magbabayad ka pa. Dahil kuripot ako, yung phone camera na lang ang ginamit ko at patagong kinuhanan ang ilang hayop. Hindi ko na isasama sa post na ito yung mga kuha ko, pangit kasi ang resolution. haha

Lalbagh Botanical Garden

Lalbagh Botanical Garden

Stubs, Cards, and Iteneraries

Stubs, Cards, and Iteneraries

Mga malls lang ang accessible na pwedeng galaan malapit sa hotel na tinutuluyan namin. Andyan ang The Forum at Bangalore Central. Sa The Landmark (National Bookstore bersyon ng Bangalore) ako nakabili ng librong The Alchemist ni Paulo Coelho at DVD na Rab Ne Bana Di Jodi (2008, Aditya Chopra). Ang MG Road ang isa naman sa mga busiest roads sa Bangalore. Dito matatagpuan ang ilang retail stores, food outlets, at restaurants. Mapa-Pizza Hut o McDonald’s ay asahan mong may twist ng spice ang ise-serve sa’yo. Sa hotel lang kami nakatikim ng normal food servings. Kung hindi ka mahilig o sanay sa maaanghang at spicy foods, hindi India ang lugar na dapat mong puntahan.

Syempre hindi naman kami pumunta sa India para lang magbakasyon o maggala. Pumunta kami nila Jelle Keziah Andal-Awa, Emily Amor Tenorio, at Adelfa Sab-it para magturo sa isang vendor doon na pagtratransisyunan namin ng kaalaman (Naks!). Marami akong nakikilala doon at may ilan na hindi ko na maalala ang pangalan. May naging malapit na kaibigan at may hinangaang babae. Sa sandaling pagkakataon inilagi, alam ko na mayroon akong naging koneksyon sa kanila. Kahit sa mga larawan at alaala lang ay masasabi ko na kahit saang panig ka man ng mundo, hindi mo basta-basta mabubura ang mga pagkakataong tulad noon. 

Last day with the vendor

Last day with the vendor

A night of "arranged wedding"

A night of "arranged wedding"

Last day in India and with Manju

Last day in India and with Manju

Bagong lugar…bagong kaibigan…bagong experiences. Sa uulitin.

Singapore: Ika-7 ng Nobyembre taong 2009 nang umalis kami sa Bangalore patungong Singapore. Lulan kami ng Flight SQ503 ng Singapore Airlines. Nakakalungkot na masaya. Nakakalungkot dahil hindi mo na alam kung makikita mo pa ulit ang mga tao at lugar sa Bangalore. Masaya kasi makikita mo na ang mga kaibigan at kamag-anak sa Manila. Natulog lang ako sa biyahe.

Dalawang araw pala kami tumigil sa Singapore. May mga bagong nakilala, nagpunta sa malls, namili ng chocolates, bumili ng PSP, kumain sa Kenny Rogers, nag-Sentosa, naranasang sumakay sa Rail Transit, naranasang sumakay sa bus, nagpa-picture, nagpunta sa One Fullerton, nakitulog, nagpaalam at nagpasalamat.

Rupees and Singaporean Dollars

Rupees and Singaporean Dollars

Manila: Ika-9 ng Nobyembre taong 2009 nang lisanin namin ang Singapore patungong Manila. Tinanong ko ang sarili, “Ano na kayang itsura ng Manila after two weeks? Makikilala pa ba ako ng aso ko?”. Lulan kami ng Flight SQ918 ng Singapore Airlines. Hindi na ako natulog sa biyahe sa halip ay nanuod na lang ako ng Up (2009, Pete Docter). Nang in-announce na ang, “Now boarding to Manila from Singapore“…parang nawala lahat ng pagod ko. Lumapag kami sa Manila ng safe and sound. Ang tanging baon ay ilang pasalubong at alaala ng dalawang linggong lumipas.

Two-way tickets

Two-way tickets

Paalala: Hindi ko isinulat ang blog na ito upang manira o pumuna ng mga pangit at mali. Pawang mga katotohanan lamang ang tangi kong ibinahagi.



One thought on “To Do’s: (3) Create a blog post about the Onshore assignment in India

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s