Pinakamasayang Disyembre ng buhay ko: December 2010


Ang daming nangyari at posible pang mangyari ngayong Disyembre 2010. Ito na ang maituturing kong pinaka-abalang buwan para sa akin ngayong taon. Nais kong ibahagi ang lahat ng detalye kaya lang kinakailangan ko ring magtabi ng kwento para sa aking sarili.🙂

“Masaya. Sobrang saya.” …ganyan ang Disyembre ko. Hindi ko maipapaliwanag ng husto sa pamamagitan ng pagsusulat pero malamang naranasan mo na rin ang ganyang pakiramdam sa buhay mo. Bakit nga ba ako masaya? Nagawa ko kasi ang mga bagay na gusto kong gawin matagal na. Mga bagay na ginawa ng tama, maayos, at napapanahon.

December 1, Team Tin’s Q1 All Hands at MSE: Team Rensie ang nag-organize ng event na ito. Ipinagmamalaki ko na naging bahagi ako nyan. Ang daming talentado sa team na kung saan sa All Hands nila ipinamalas ang galing…magmula sa pagkanta hanggang sa pagtanggap ng iCON awards. Sa mga nag-nominate, maraming salamat. Hindi mapapantayan ang oras at pagod dahil nagresulta ito sa isang masaya at successful na event. Sa lahat ng naging bahagi, great job.

Ang Koro (Zoom Zoom)

Ang Koro (Zoom Zoom)

Q1 iCON award

Q1 iCON award

December 4-5, Climb against cancer at Mt. Natib: Isang malapit na kaibigan ang nagyaya sa akin na umakyat ng bundok. Nang malaman ko na “for a cause”, walang isang salita na pumayag kaagad ako na sumama. Bakit? Sobrang tagal ko na kasing gustong gawin ito. Lalo na’t alam ko na makakatulong ako sa mga cancer patients ng PGH sa mumunting paraan. Kakaibang high ang idinulot sa akin…close encounter with Mother Nature. Dalawang araw na walang usok ng mga sasakyan, konkretong establisyemento, at stress ng siyudad; dalawang araw na pawang natural na pawis ang inilabas sa katawan…wala na akong hihilingin pa nang maakyat namin ang pinakamataas na peak sa Bataan, ang Mt. Natib (1,253 MASL).

Ito ang kauna-unahang climb ko. Mahirap pero masaya. Mahirap, kasi umakyat at bumaba ako ng Mt. Natib ng may sprained ankle. Masaya, kasi dito ko napagtanto na “kapag may gusto kang gawin o sabihin sa espesyal na tao sa buhay mo, huwag mo nang palampasin…gawin o sabihin mo na kaagad.”

Mt. Natib Summit (1,253 MASL)

Mt. Natib Summit (1,253 MASL)

First leg: Nipa hut and water source

First leg: Nipa hut and water source

December 9, Team Tin’s Rock ‘n Roll Christmas Party at Heaven ‘n Eggs: Ilang araw pa lang pagkatapos mamundok ay ginanap naman ang Team Tin’s Christmas Party. Syempre um-attend ako nyan kahit ramdam ko pa ang pananakit ng katawan at namamagang sakong. Dito ginanap ang presentations, awardings, finale ng Kris Kringle, at raffles. Tama ang narinig mo, raffle! haha

Magaling ang mga nag-perform. May kumanta, naggitara, nagsayaw, at nagpatawa. Maganda rin yung ginawang konsepto na pagbibigay ng kapirasong papel sa mga dumalo upang isulat ang kanilang mensahe na siya namang babasahin ng mga hosts. Ako pala yung nagsulat ng, “hi! miss blooming.” Sa mga oras na yun, alam na niya kung sino siya.🙂

Isa rin pala ako sa mga mapapalad na binigyan ng award nung araw na yun…Business Operator + Starbucks GC worth 500 PhP. Sa mga nag-nominate at nag-deliberate, salamat ng marami.

Ang code name ko sa Kris Kringle ay Stephan Jenkins (bokalista ng paboritong kong banda, ang Third Eye Blind). Isang libro ni C.S. Lewis and ibinigay sa akin ni Eminem. Ang titulo, The Chronicles of Narnia: Prince Caspian. Hindi ko pa nabubuksan ang libro pero babasahin ko yan sa mga susunod na buwan.

Raffle…ang isa sa mga pinakakaabangan ng lahat sa Christmas Party. Sa tingin mo, nanalo ako? Biruin mo, nanalo ako ng Rice Cooker 4 in 1. Pwede. Hindi pa rin siguro nawawala yung sumpa ng raffle sa akin magmula ng manalo ako ng 32-inch Samsung flat screen TV sa Christmas Party ng Accenture noong 2008. haha

Team Tin group pic

Team Tin group pic

Business Operator award

Business Operator award

December 13, Project Christmas Party at Museum Café: Ito ang ikalawang Christmas Party na in-attend-an ko. Berde ang kulay ng Team MSE. Berde ang nanalo sa dance competition. Berde rin ata ang nanalo ng grand prize na 32-inch LG flat screen TV with home theatre. Pero syempre, hindi berde ang mga utak namin. <aysos> Likas lang talaga kaming magagaling. Kaya lang sayang talaga yung iPad. <tsk> Hindi ito ang gabi ko pagdating sa raffle. Gabi ito ng mga pinagpalang ka-team ko na nagwagi na sila Maria Celina Gerbabuena (gift basket) at Lenie Ann Lim (GC). Sa mga namigay ng papremyo, lalo na sa mga execs, salamat!

Cocktail-style ang party. Pero walang cocktail, style lang. <corny> Masaya. Sobrang dami ng picture-an at kwentuhan. Nagkaroon din ng sayawan at inuman. Wala na akong maibabahagi sa dalawang huling nabanggit. Nasa office na kasi ako at ang iba pang kasama na masugid na nakinig sa mga kwentong onshore ni Aileen Bernadette Velasco. haha

Team Tin group pic

Team Tin group pic

Team Rensie group pic

Team Rensie group pic

December 18, Accenture Christmas Party at Araneta Coliseum: Sa buong tenure ko sa kumpanya, ito na ang pinakamasaya kong Accenture Christmas Party na dinaluhan. Hindi ko kasi inalam kung anong mga mangyayari sa party. Hindi ko alam kung sino ang mga hosts (totoo), hindi ko alam kung sino ang mga banda (puwera sa Bamboo), at hindi ko na masyadong inasam manalo sa raffle. Ang hiniling ko lang ay maging masaya at maswerte ang araw na yun. Hindi ako binigo sa aking hiling.🙂 Maganda talaga kapag wala kang in-expect. Sabi nga nila, “just go with the flow”.

Yun ang kauna-unahang pagpasok ko sa bagong Araneta Coliseum. Wala na gaanong pila noong dumating kami ni Silin sa entrance ng Lower Box. Ito yung entrance na malapit sa Shopwise. Habang nakapila ay panandalian kong na-meet ang ilan sa mga kaibigan niya…sila Sheena at Apple. Sa loob, hindi pa rin marami ang tao pero nagsisimula na ang programa. Accenture Sessionista na ang naabutan namin. Pagkahanap ng mauupuan ay lumabas muna kami para bisitahin ang mga booth ng iba’t-ibang Accenture Clubs. Pag nag-sign-up ka kasi, may pag-asa kang manalo ng mga ipinapa-raffle nila. At dahil may free food stubs, kumuha na rin kami ng pagkain (pizza, hamburger, popcorn, softdrinks, at bottled water).

Two complimentary lower box tickets

Two complimentary lower box tickets

Lower Box 204

Lower Box 204

The rest are history

Hosts– Alex Calleja (Accenture Team Lead, Comedian) at Sanya Smith (MYX VJ). Isang “a-okay hosting combination” pero saludo talaga ako kay Alex Calleja. Magaling at nakakatawa. Filler? Hindi. Main Act? Pwede. Blessing in disguise na rin siguro at medyo nahuli ng dating ang Tanya Markova at Bamboo. Si Alex na lang ang nag-show. He deserved a round of applause (na may kasamang HP Netbook or iPad). haha Astig!

Programme– Nag-speech ang mga big boss ng kumpanya; nag-host sila Alex at Sanya, tumugtog ang The Bloom Brothers; rumampa ang mga kandidato ng Accenture Face; nagsayaw ang Accenture Moves; nagpa-raffle; nag-award ng winner para sa Green Lantern Contest; nagpatawa si Alex; tumugtog ang Tanya Markova; nagpa-raffle; nagpatawa ulit si Alex; nagpa-raffle; tumugtog ang Bamboo. Ayan lang ang naalala ko. Kung may na-missed ako, sorry naman…tao lang.

May mga video recordings ako ng performances nila Alex Calleja, Tanya Markova, at Bamboo. Subalit piling tatlong video recordings lang ng Bamboo ang in-upload ko sa YouTube. Pakibisita na lang ng channel ko, 3ebK800i. Salamat.

Bands– The Blooms Brothers: wala akong ma-ikwento…hindi ko kasi sila kilala; Tanya Markova: “Picture Picture” at “Disney” ang ilan sa mga alam kong kinanta nila; Bamboo: isa ito sa mga inabangan ko…astig yung bersyon nila ng Rivermaya originals na “Elesi” at “Hinahanap-hanap Kita” at ang original song nila na “Masaya”.

Raffle– Ang mga prizes: Sony Bloggie Pocket Camcorder, Samsung PL101 Digital Camera, Samsung I5503 Galaxy5 Smartphone, Blackberry Curve 8520 Gemini, Nintendo Wii US Version, Sony PSP Go, Apple iPod Touch 32GB 4th Gen, Sony Playstation3 160GB Slim, HP Netbook, LG LCD TV 32″ and Home Theatre, Canon EOS 1000D Kit Digital SLR Camera, Apple iPad Wifi 16GB, Coby Compact Potable DVD Player, Canon Pixma iP2770 Printer, Samsung ES65 Compact Digital Camera, Kitchen Showcase, Carrier Airconditioner, PhP 500 Sodexo GCs, at PhP 500 Pizza Hut GCs. Whew! Sobrang dami.

Masayang nagtapos ang party. May ibang umuwi na, may ibang gumimick pa, at may ibang nagkape muna. Siyempre hindi nawala ang picture-an bago naghiwa-hiwalay. Asul pala ang dress code naming mga CH&T peeps. Halata naman sa litrato di ba?

Group pic

Group pic

Group pic (again)

Group pic (again)

Starbucks 6750

Starbucks 6750

At dahil napag-usapan na rin ang kape. December 2010 ko nakuha ang Starbucks planner. Hindi ko na maalala yung exact date pero sigurado ako na December yun. May planner ka na, nakatulong ka pa sa 3,000 na bata ng Spark Hope. Salamat sa mga original coffee buddies ko, Silin at Eulo.

Starbucks Planner 2010

Starbucks Planner 2010

December 23, First 3D experience at Greenbelt 3: TRON: Legacy (2010), ito ang kauna-unahang pelikula na pinanuod ko sa 3D. Nagbayad kami (kaibigan at ka-team) ng 300 PhP o 7 US dollars para sa 127 minutes na pelikula, 3D eyeglasses, at kumportableng upuan sa Cinema 2 ng Greenbelt 3. Nagsimula na ang pelikula nang dumating kami.

TRON: Legacy 3D

TRON: Legacy 3D

30 minutes earlier… 

Nag-exchange gifts ang Team Rensie. Ano ba ang wish list ko? Hmm. Frank Capra’s It’s A Wonderful Life DVD o Third Eye Blind’s Blue audio CD. Ang nakuha ko…<drum rolls>…DVD classic ni Frank Capra. Isa yang feel-good movie na highly recommended kong panuorin mo. Sa nagregalo sa akin (si Carlo), salamat.

40 minutes after…

Umupo. Sinuot ang 3D eyeglasses (naks!). Nanuod. Inalis ang 3D eyeglasses. Sinuot ulit. Nanuod. Napapikit sandali. Nagising. Nanuod. Inalis ang 3D eyeglasses. Sinuot na naman ulit. Nanuod. Ay, credits na pala. haha Ito ang mga hindi ko makakalimutan sa pelikula: (1) “warm, radiant, and beautiful” – pamatay na linya ni Sam Flynn nang tinanong siya ni Quorra kung papaano niya idi-describe ang sunrise; at (2) last scene na kung saan nakarating na malapit sa portal sila Sam, Kevin, at Quorra….kaya lang biglang umepal si Clu. Panuorin niyo na lang. Ayaw ko mag-spoil.

Pagkatapos manuod ay kumain kami sa Chef d’ Angelo (Glorietta 5).

Chef d' Angelo team pic

Chef d' Angelo team pic

December 24, Christmas Eve with family and relatives at home: As usual, last minute shopping ang nangyari sa akin. May iba pa kasi akong hindi nabibilhan ng pangregalo. Laking pasasalamat ko sa pinsan at kapatid ko na tumulong magrekomenda at magbalot ng mga napamili. Taon-taon ay sinisigurado namin na lahat ay magkakasama-sama lahat sa Christmas Eve. May ginaganap na mini programme, exchange gifts, raffles, inuman, at kainan. Basta sama-sama, masaya. Sana next year, ganito rin. <sigh>

Nakatanggap ako ng Penshoppe black wallet galing sa kapatid ko at digital alarm clock at nailcutter (ni-request ko kasi) galing naman sa pinsan ko. Kahit paulit-ulit akong nagparinig sa kanila na semi-fit black t-shirt ang iregalo sa akin, ayos lang kahit hindi ko natanggap yun. <bitter>Hindi ko alam kung bakit. Malamang mas kailangan ko nga ng bagong wallet at alarm clock. haha Salamat sa mga nagregalo. Sa hindi pa, tumatanggap pa rin naman ako. <wink>

Smiles  and gifts

Smiles and gifts

Group picture with family and relatives

Group picture with family and relatives

December 25, Lucky day in CABAL online game: Hindi ko na pinapa-level-up si “misterpogito”. Hindi na rin ako nagda-dungeon o nagbo-boss hunt. Mission war na lang talaga ang activity ko sa CABAL. Nag-war ako ng alas-dos hanggang alas-tres. Pagkatapos ng war, kinuha ko yung reward na Buff Capsule (High). Ni-right-click at laking gulat ko nang lumabas sa screen ang kulay puti’t itim na capsule. Wow! Hardness Capsule (LV 8). Sa mahigit isang taong kong paglalaro ng CABAL, ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na nakakuha ako ng rare item. 100,000,000 million Alz ang halaga ng capsule na yan o 250-300 Pesos kung ico-convert sa piso. Hindi na mahalaga kung magkano, basta masaya lang ako sa nangyari. “hoo-ah!”

Rare mission war reward: Hardness Capsule (LV 8)

Rare mission war reward: Hardness Capsule (LV 8)

December 27, RPG Metanoia at Robinson’s Galleria: Naghanap ako ng mga 2010 MMFF official entries sa Internet. Base sa inisyal na nakita ko, tatlong pelikula ang medyo nagbigay ng high expectations sa akin: (1) Si Agimat At Si Enteng Kabisote; (2) Ang Tanging Ina Mo Rin (Last Na ‘To!); at (3) Dalaw. Subalit nang mapanuod ko sa YouTube ang official trailer ng RPG Metanoia,  hindi ko na pinag-isipan kung papanuorin ko ito o hindi. Niyaya ko kaagad ang 13-year old cousin ko na manuod sa Robinson’s Galleria.

Ito daw ang Philippine’s first 3D-animated feature film. Tama sila! Astig. Sa simula pa lang ng pelikula, alam ko nang sulit ang ibinayad ko. Characters, soundtrack, storyline, quotes, at animationtwo thumbs up! “Tangkilikin natin ang sariling atin. Ikinagagalak kong isa akong Pinoy!”

RPG Metanoia Wallpaper 1024x768

RPG Metanoia Wallpaper 1024x768

Dito ko na tatapusin ang pinakamahabang blog post ko magmula 2008. Ime-meet ko pa kasi si special someone. Happy lang tayo palagi. Cheers!

4 thoughts on “Pinakamasayang Disyembre ng buhay ko: December 2010

  1. haba ng post mo,pero i like how you summarize everything na nangyari sayo for the month of December..

    lagi ako kinoconvince ni Leo to read your post and Bryan’s post as well.. It actually inspires me to create my very own blog.. aheheh.. =)

    Hope to see you again on our next climb..=)

    1. salamat, mads.🙂 katulad ng palagi kong sinasabi, hindi naman ako kumikita sa pagsusulat na to…pero ang malaman ko lang na may mga bumabasa sa mga sinusulat ko ay isa nang malaking accomplishment.

      climb lang ng climb.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s