Paano mo bibigyang kahulugan ang salitang, pag-ibig?


“Ang pag-ibig ay matiisin… may magandang loob;… hindi nananaghili, hindi nagmamapuri, hindi palalo; hindi lumalabag sa kagandahang-asal, di naghahanap ng para sa sarili, di nagagalit, di nag-iisip ng masama; hindi natutuwa sa kasamaan, ngunit ikinagagalak ang katotohanan…” ~unang sulat ni apostol San Pablo sa mga taga-Corinto 13: 1-13

Idinagdag ni San Pablo na “Ang pag-ibig ay di kailanman magmamaliw…” Ayon pa rin sa kanya, may tatlong bagay na mananatili: ang pananampalataya, ang pag-asa, at ang pag-ibig; subalit pinakadakila sa mga ito ang pinakahuli: ang pag-ibig.

Ayon naman sa Lumang Griyego, may mga uri ng pag-ibig: (1) Eros- pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tao, (2) Storge- pagmamahal sa pamilya, (3) Philia- pagmamahal sa pagitan ng magkakaibigan, (4) Agape- pagmamahal sa kapwa, at (5) Filial- nagmamahal sapagkat siya rin ay minamahal bilang kapalit.

Red Hallow Heart

Hindi ako eksperto pagdating sa aspetong pag-ibig. Subalit naranasan ko nang umibig at ibigin…at sa kasalukuyan, ako’y umiibig. Masaya! Teka, ano nga ba talaga ang pag-ibig? Ito ba yung Home Development Mutual Fund na ang ibig sabihin ng acronym ay Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya, at Gobyerno? <grin> …o ito ba yung sinabi ni Francisco Baltazar na “Pag-ibig, ‘pag na’sok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”? <wink>

Tingnan natin…

Naglalakad ako noon sa 5th floor Building A ng SM Megamall nang mapansin ko ang dalawang decent old couple na nakadungaw sa harap ng DLS-STI MegaClinic. Maputi na ang buhok, kulubot na ang balat, at nasa 70-80 years old na sa tantsa ko. Binabasa nila ang isang poster tungkol sa kalusugan…habang magkahawak ang kanilang mga kamay. Para sa akin, pag-ibig yun. Hindi lang yung pag-ho-holding hands ha, kundi pati na yung ideyang magkasama pa rin sila sa ganoong edad at iniisip pa rin nila ang kalusugan ng isa’t isa. Astig.

Isang araw sa office, usap-usapan si Chris Medina ng American Idol Season 10. Pag-uwi ko sa bahay ay nag-YouTube ako upang panuorin ang video ng audition ni Chris. Pina-wow niya yung mga judge sa rendisyon niya ng Break Even by The Script. Kaya lang tragic pala yung nangyari sa fiancee niya…traumatic brain injury from a car accident. Subalit hindi iyon naging handlang para patuloy niyang samahan sa buhay si Juliana. Ito yung isang exceptional line na binitawan niya sa interview, “…what kind of guy would I be if I walked out when she needed me the most?” Pag-ibig? Oo!

 

Love Actually – isang romantic comedy Brit film na umiikot sa iba’t ibang aspeto ng pag-ibig na ipinakita sa sampung magkakaibang istorya ng mga tao na habang umaandar ang plot ay mapapansin na magkakakonekta silang lahat. Kung napanuod mo na ‘to, malamang alam mo na yung istorya ni Jamie at Aurélia? French-Portugese connection. May language barrier pero hindi naging hadlang sa kanilang dalawa. Nag-propose si Jamie sa native language ni Aurélia at sumagot naman siya sa native language ni Jaime. Ibig sabihin pinag-aralan nila ang lengwahe ng isa’t-isa at hindi nila ito hinayaang maging dahilan para tumigil sila sa kanilang pagmamahalan. Yun yun eh!

 

Nag-post ako sa Facebook ng isang status message noong Feb. 2, 2011 7:53 AM. Maraming nag-comment at maraming ring nag-like sa mga comments. May mga seryosong sagot, may mga pick-up lines, at may mga simpleng banat. Ito ang mga napili kong best answers sa status message ko na, “Paano mo bibigyang kahulugan ang salitang, pag-ibig?”

  • Acemith Villar Ang pagibig walang kasi-kasi, walang pero-pero.. Pag mahal mo, mahal mo.. Hindi yan isang decision na naisip mo lang. Minsan mararamdaman mo ang pagibig pagkagising mo sa umaga, hindi sa gabi nung matulog ka. :)
  • Cj Santiago bigyan mo ito ng laman! :p
  • Louie Patrick Aguilos kuha ka ng timba pre.. pila ka na lang dun sa may poso…
  • Aldwin Encabo daan ka sa edsa tuwing friday! mahirap mag move on dahil sa traffic!
  • Aldwin Encabo Ang pag ibig ay sadyang malalim ang kahulugan, walang eksaktong kahulugan at walang maling kahulugan. Malalaman mong umiibig ka na pag ikaw ay nahuhulog na…
  • Lezah Yoj Oiponap ‎..ay parang droga… nakakahigh?… nakakaadik???nakakapraning???? hahaha

Para sa akin, “ang pag-ibig ay unibersal, walang hangganan, walang iwanan, cheesy, at masaya”. Sa lahat ng umiibig, iniibig, at iibigin…maligayang buwan ng mga puso.

Thank you for the inspiration and the happiness that you bring… Wushoo!”

About these ads

2 thoughts on “Paano mo bibigyang kahulugan ang salitang, pag-ibig?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s