Litratistang Lakwatsero


“At katulad ng sinasabi nila sa buhay, tingin ko totoo ngang mas importante ang ‘journey’ kesa sa ‘destination’.” Ang Paboritong Libro Ni Hudas (2003, Bob Ong)

Bata pa lang ako, pinangarap ko na ang maging astronaut. Gusto ko kasi magtungo sa buwan at sa ibang planeta. Hanggang ngayon ay nangangarap pa rin ako. Nangangarap na kunin ang buwan at mga bituin para ialay sa’yo. <maka-segue lang..hehe>

Sa pitong kontinente sa buong mundo, dalawa na ang napuntahan ko. Ito ang Asia at North America. Europe naman ang sumunod na pangarap kong mapuntahan. Marami na rin akong nabisitang lugar sa Pilipinas at mangilan-ngilan naman sa ibang bansa. Hindi ko masasabi na lakwatserong tao ako subalit kung may oras at pagkakataon, ang paglalakbay sa iba’t-ibang lugar ang nais kong gawin sa buhay. Ikaw, turista ka ba sa sarili mong bansa?!

Baguio City, Philippines: Kulang-kulang sampung taon na ang nakalipas nang una akong nakatapak sa lupain ng Baguio City. Kung nais mong umiwas sa mainit na panahon sa Maynila tuwing summer, Baguio City ang pinakamaganda mong bakasyunan. Siyempre hindi lang ang malamig na klima ang dinadayo doon kung hindi pati na rin ang mga ipinagmamalaking tourist destinations. Ito ang ilan sa mga napuntahan ko: Loakan Airport, Philippine Military Academy, Mansion House, Wright Park, Mines View Park, Botanical Garden, Burnham Park, Mt. Sto. Tomas, Lourdes Grotto, Baguio City Market at kung saan-saan pa.

CALABARZON, Philippines: Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Sa mga lugar na nabanggit, resorts at beaches ang common denominator ng lahat para sa akin. Isa rin itong takbuhan kung sakaling gusto mong magpalamig tuwing panahon ng tag-init. Island Cove, El Nido Beach, Matabungkay Beach, Loreland Farm Resort, at hindi ko na maalala ang iba pang napuntahan ko. Enchanted Kingdom ng Laguna naman ang pinakamalaking amusement park sa Pilipinas. Hindi man maitutulad sa Disneyland ng Amerika, isa tong magandang puntahan ng pamilya at magkakaibigan. Kung mahilig kang mamundok, marami sa Batangas na maaring akyatin. Mt. Batulao ang isa sa mga bundok na naakyat ko.

Manila, Philippines: Bago ako ipadala dito sa Amerika, nag-Manila-tripping kami ng pamilya ko…Manila Ocean Park, Luneta Park, Manila Zoo, at Quirino Grandstand. Masaya kasi magkakalapit lang yan. Hindi ko alam kung may Nayong Filipino Cultural Park pa ha pero napuntahan ko na rin yan dati. Nandiyan din ang Star City at Cultural Centre of the Philippines. Ang tagal ko na sa Maynila subalit marami pa pala akong hindi napupuntahan.

At iba pa: Anawangin Island sa Zambales at Mt. Natib sa Bataan. Kapansin-pansin na halos sa northern part lang ng Pilipinas ako naglalakwatsa. Action item:  Maglakwatsa sa southern part. Marami pa sanang magagandang puntahan sa Pilipinas kaya lang hahaba na naman itong blog post kapag inisa-isa ko pa. Ilan lang yan sa mga mainstream. Wala pa diyan ang Boracay ng Aklan, Puerto Galera ng Mindoro, Puerto Prinsesa ng Palawan at marami pang iba.

Nabigyan ako ng kumpanya ng pagkakataong lumabas ng bansa…hindi para mag-travel kung hindi para magtrabaho. Pero siyempre kasama na rin yung travel doon. <grin> Taong 2009: Philippines > Singapore > India > Singapore > Philippines. Taong 2011: Philippines > Japan > Seattle > Dallas.

Singapore: Maayos, malinis, at maganda ang Singapore. Hindi ko man ito nalibot ng buo, sa mga nakita ko ay masasabi kong isa sa mga magagandang pasyalan ito sa Asya.  Singapore CBD, Cavenagh Bridge, Fullerton Road, Sentosa (Asia’s favorite playground), Fountain of Wealth, Merlion Park , atbp. Bukod sa humigit kumulang na tatlong oras na biyahe, marami ring mga Pinoy sa Singapore kaya parang nasa Pilipinas ka lang.

Bangalore, India: Kung nais mong maranasan ang kakaiba at preserved na kultura, isa ang India sa irerekomenda ko sa’yong puntahan. Maraming palasyo, temples at sacred places, simbahan, at mga spicy foods. Mayaman ang kanilang sining, musika, at pelikula.  Bangalore Palace, Mysore Palace, Sri Shveta Varahaswami Temple, Lalbagh Botanical Garden, at MG Road. Namaste!

Dallas, Texas: Isang buwan pa lang ako dito kaya hindi ko pa alam kung anu-ano ang mga atraksyon na pwedeng puntahan. Scarborough Renaissance Festival ng Waxahachie at Ripley’s Believe It Or Not ng Grand Prairie pa lamang ang ilan sa mga nagalaan namin. Maganda daw sa Six Flags at Fort Worth Stockyards pero hindi pa rin ako nakakarating diyan kaya hindi ako makakapagbigay ng opinyon. Kung bagong salta ka pa lang sa Texas, marami ditong mga restaurants…American, Asian, Mexican, Italian. Shopping? May mga Outlets na pwedeng sadyain kung sinisipag ka. Kung tinatamad ka naman, kunin ang laptop at mag-online shopping ka na lang. <smile>

Rizal Park (Luneta Park)

Rizal Park (Luneta Park)

Ano ba talaga ang pinakaimportanteng dinadala kapag naglalakbay o naglalakwatsa ka? Itinerary, pera, bagahe, sasakyan…ano pa ba? Siyempre huwag na huwag mong kakalimutan ang camera na may extra battery at memory card. Hindi rin masayang maglakwatsa kung mag-isa ka lang. Isama ang kaibigan, kapuso, at kapamilya. Subalit kung hindi talaga maiiwasan na mag-isa, wag na lang kalimutan mag-uwi ng pasalubong. <grin> Malamang hindi ito yung travel blog  na hinahanap mo. Pero sana nakapagbigay ako ng mumunting impormasyon. Tandaan, wala pa ring tatalo sa paglalakbay sa sarili mong bansa. Huwag maging dayuhan! Sakay na.

2 thoughts on “Litratistang Lakwatsero

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s