Harry Potter And The Deathly Hallows: Part 2


Kulang-kulang walong buwan na ang nakalilipas nang gumawa ako ng blog post/review para sa Harry Potter And The Deathly Hallows: Part 1. Ngayon, bibigyan ko naman ng kwento ang Part 2 ng Harry Potter And The Deathly Hallows.

Alas-kwatro ng hapon (CST) nang umalis kami ni Alan Pagayonan sa The Village patungong AMC Northpark 15. Medyo maalinsangan ang panahon ngunit hindi ito naging hadlang para magmaneho ako ng smooth at chill-mode. Ang orihinal na target time ng panunuod ay 4:40 PM (CST) subalit sa kasawiang-palad, sold out na ang mga tickets pagdating namin. Bumagsak tuloy kami sa 7:00 PM (CST) film showing – Harry Potter And The Deathly Hallows: Part 2 in IMAX. Alam mo ba na ito lang ang natatanging Harry Potter film na ini-released sa sinehan ng 3D sa kabuuan ng pelikula? Puwes, ngayon alam mo na.

Intermission: Dahil napaaga kami ng dating sa Northpark, kinailangan muna namin pagplanuhan ang dalawang oras na paghihintay. Naglibot muna kami ni Alan sa mall. Binisita ang Vans (naging Mayor tuloy ako sa Foursquare) at Apple Store; kinawayan naman ang Louis Vuitton at Ralph Lauren. Maraming tao sa mall, iba’t-ibang lahi. Nang mapansin na mahaba pa ang oras ng paghihintay, naisipan namin pumunta sa Best Buy para mag-window shopping. Makalipas ang isang oras…

AMC Northpark 15, Cinema 8: Popcorn, dalawang hotdog in a bun, at dalawang softdrinks. Pinilahan ang 7:00 PM (CST) film showing. Kahit yung 8:30 PM (CST) ay may mangilan-ngilan nang nakapila. May nakitang akong nakasuot ng Hogwarts robe, may naka-name tag na may sulat na “Muggle“, at mayroong mga may dalang Harry Potter books. Alas-siyete ng gabi nang magsimulang magpapasok sa Cinema 8. Sa loob ng sinehan, nag-unahan ang mga tao sa mapwe-pwestuhan. Maganda naman yung nakuha naming seats. IMAX for $17 each. Pramis, sulit!

Sa Pilipinas, Greenbelt 3 at Eastwood cinemas ang mga paborito kong panuoran. Pero iba talaga ang dating ng AMC Northpark 15 cinemasThis is the real definition of big screen viewing – quality audio and video, comfty seats, and disciplined viewers.

Bago opisyal na nagsimula ang pelikula, maraming movie trailers ang ipinalabas. Nandyan ang: The Dark Knight Rises, Happy Feet 2 In 3D, Cowboys & Aliens, Puss In Boots, The Adventures Of Tintin, Real Steel.

Movie proper: Nagsimula with clips from Part 1. Mabagal na simula at puro salitaan. Kauna-unawa naman kasi sa tingin ko ay paraan iyon ng direktor upang i-build up at pagkonektahin ang una at pangalawang bahagi ng The Deathly Hallows. Ito ang ilan sa mga hindi ko makakalimutan sa pelikula:

  • “I wish to enter my vault.” – Hermione Granger disguising as Bellatrix Lestrange at Gringotts Bank
  • “That’s it, up there!” – Harry Potter seeing Helga Huffelpuff’s cup inside Bellatrix Lestrange’s vault

  • “You do it.” – Ron Weasley giving Basilisk fang to Hermione Granger to destroy Horcrux cup at Chamber of Secrets. Syempre may mga kinilig sa sinehan nung nag-profess yung dalawa sa pagmamahalan nila sa pamamagitan ng paghalik sa isa’t isa. naks.
  • “AHHHHHH! Goyle has set the bloody place on fire!” – Ron Weasley running towards Harry Potter and Hermione Granger inside the Room of Requirements

  • “There is no wand more powerful. It answers to you, and to you only.” – Professor Severus Snape talking to Lord Voldemort. Gutom yata at wala sa mood si Nagini. Kawawang Snape.
  • Featurette of Professor Severus Snape through Pensieve
  • “We never left.” – Lily Potter talking to Harry Potter after she, together with James Potter, Sirius Black, and Remus Lupin, was summoned by the Resurrection Stone
  • “Harry Potter, the boy who lived… come to die. Avada Kedavra!” – Lord Voldemort trying to kill Harry Potter in the Forbidden Forest. Syempre sabi ng direktor, magpatay-patayan si Daniel Radcliffe. <grin>
  • “I’d like to say something. Doesn’t matter that Harry’s gone. People die everyday—friends..family. Yeah, we lost Harry tonight. But he’s still with us…in here. So is Fred, Remus, Tonks…all of them. They didn’t die in vain! But you will! Cause you’re wrong! Harry’s heart did beat for us! For all of us! It’s not over!”Hands down ako sa speech ni Neville Longbottom. He nailed it!
  • “Not my daughter you bitch!” – Molly Weasley killing Bellatrix Lestrange. Isa ito sa mga instances na may mga pumalakpak sa loob ng sinehan.
  • Neville Longbottom decapitates Nagini with Gryffindor sword. I have to thumbs up this scene. Maraming pumalakpak sa sinehan nang mapatay ni Neville si Nagini.
  • Battle scene between Harry Potter and Lord Voldemort. Another thumbs up for me. This is epic.
  • 9 3/4 ending scene after 19 years.

Nagpalakpakan ang mga tao. Isang magandang pagtatapos. Kung nasubaybayan mo ang mga likha ni J.K. Rowling mapa-aklat man o pelikula, panuorin mo ang Part 2. It’s a must-see!

Umuwi ako ng bahay dala-dala ang alaala ng Harry Potter franchise at ang ticket stub.

Harry Potter And The Deathly Hallows: Part 2

Harry Potter And The Deathly Hallows: Part 2

2 thoughts on “Harry Potter And The Deathly Hallows: Part 2

  1. You forgot about Professor McGonagall’s Piertotem Locomotor scene, and her giggle after casting the spell.. As well as professor Flitwick’s spell protecting the castle.. Aw! Oh yeah, the patronus of Aberforth!

    Oh, did I mentioned the Gringotts scene?🙂

    Its a bittersweet ending😦🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s