Apple


Hindi ako binayaran ng Apple Inc. para gumawa ng isang blog post patungkol sa kanilang mga produkto. Hindi rin ako “fanboy” ng Apple products kung hindi isa lamang akong simpleng tech enthusiast na humahanga sa kakaibang reputasyon at inobasyon na ibinibigay ng Apple Inc. sa kanilang mga consumer.

Sa isang normal na Pilipinong manggagawa na kumikita ng 426 pesos (with COLA increase) sa isang araw, isang luho na siguro and pagkakaroon ng kahit na anong pinakabago at orihinal na Apple products. Mahal? Oo. Worth it? Yes.

Namulat ako sa era na: (1) ang telepono ay rotary dial; (2) ang telebisyon ay black & white at nag-uumbukan ang mga likod; (3) ang panunuod ng pelikula ay katumbas pa ng pagtungo sa movie house; (4) ang radyo ay may AM/FM receiver at pwede mo salangan ng cassette tape kasi walang pang CDs noon; (5) ang tanging paraan ng paglalaro ay arcade, gamewatch, o NES (Nintendo Entertainment System); (6) ang camera ay polaroid at may mga film pa na nabibili sa Kodak; at; (7) ang computer ay gumagamit pa ng naglalakihang 8-inch floppy disks at 56kbps modem. Kung hindi mo naabutan ang mga iyan, bata ka pa nga at malamang namulat ka na sa iPhone, Blackberry, LCD/LED/Plasma TV, 3D/iMax, iPod, xBox, PS3, DSLR, MacBook, atbp.

Ang Apple Inc. ay itinatag nuong April 1, 1976 nila Steve Jobs, Steve Wozniak, at Ronald Wayne. Malamang nagtatanong ka rin kung bakit Apple ang ipinangalan nila? Hindi ba pwedeng Orange, Banana, Lemon, etc.? Ang sabi ni kumpareng Wikipedia: “According to Steve Jobs, Apple was so named because Jobs was coming back from an apple farm, and he was on a fruitarian diet. He thought the name was “fun, spirited and not intimidating”.” Mababasa mo ang buong kwento sa Wikipedia page ng Apple Inc. O siya, tama na ang masyadong komersyalisasyon. hehe

Apple, maganda at simpleng pangalan o katawagan, catchy at masarap pakinggan.

Taong 2008 nang magkaroon ako ng unang Apple product… ang iPod Nano 3G 8Gb Black. Binili sa Cyberzone’s Power Mac Center ng SM Megamall ilang araw pagkatapos ng break-up ko sa ex-girlfriend. Ito pa rin ang bumubuhay sa akin dito sa Dallas, Texas — ang 1,501 na purong kanta magmula Classical hanggang Rock na genre.

Taong 2011 nang masundan si iPod ng iPhone 3GS 8Gb Black. Binili sa AT&T Wireless Center ng AMC Northpark Mall ilang araw pagkadating ko dito sa Texas. Ito naman ang bumubuhay sa akin pagdating sa mga mobile uploads ng mga litrato at kapag naliligaw na sa mga patutunguhan (Google Maps).

Ika-25 ng Nobyembre taong 2011, “The Day After Thanksgiving” at “Black Friday Madness”, nang napasaakin si iPad 2 16Gb Wi-Fi White. Actually, 32Gb talaga target kong bilhin, kaya lang naubos na kaagad ang stock ng Best Buy sa unang oras ng midnight sale. 45$ off, not bad. Kasalukuyang kong ginagawa ang binabasa mo ngayon sa iPad 2 at isa lang ang masasabi ko, “hindi ako nagkamali sa pagpili.”

Steve Jobs (1955-2011)

Steve Jobs (1955-2011)

Eye-candy at innovative ang mga Apple products. Sa isang produkto gaya ng iPhone ay maaari mo nang makausap ang mahal mo sa buhay sa pamamagitan ng pagtawag, text, o video gamit ang touch-screen functionality. Pwede ka rin manuod ng pelikula, makinig ng mga kanta, maglaro ng games, at kumuha ng mga litrato gamit lamang ang isang gadget. Ikumpara mo lahat iyan sa mga nabanggit ko sa ikatlong talata kanina. Pinapangarap ko rin magkaroon ng MacBook pero sa ngayon masaya pa naman ako sa interface ng Windows. Darating din siguro ang panahon na hindi na touch-screen based kundi mental telepathy na ang paraan sa paggamit ng mga gadgets. Hindi natin alam ang posibilidad na pwedeng maidulot ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya. Maraming salamat, Apple! You’re brilliant!

6 thoughts on “Apple

  1. Boss, parang hindi ko na yata inabutan yung mga nabanggit mo sa ikatlong talata. Hehehe. This is a good material. Sana may pasalubong ka din na Apple Porducts sa akin. hahaha. See you soon.šŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s