Home. Zippy. Biyahe. Blessing. Test. Pamilya. Fun.


Isang malamig na umaga noon kasama ang tatlo sa pamilya nang binaybay ang Ortigas Avenue, C5 at EDSA patungong NAIA. Sa terminal, magkakahalong emosyon (kalungkutan, pananabik, at kasiyahan) ang matatanaw sa isang pumapagitang salamin ng loob at labas ng establisyemento. Mahigit sampung buwan na pala ang lumipas nang huli kong nilisan ang Pilipinas. Ipinadala ng kumpanyang pinapasukan sa isa sa pinakamatao at pinakamalaking estado ng Amerika, ang Texas. Alam mo ba na ang pangalang Texas ay ibinase sa salitang Caddo na “Tejas” na nangangahulugang “kaibigan” o “kasangga”?

Napakalaking oportunidad ang mapili at mapabilang sa lupon ng mga taong ipinadadala sa ibang bansa upang irepresenta ang kumpanya sa mga kliyente. Ito rin ang pagkakataon na makailang beses lamang sa buhay ng isang tao na maaari niyang pagdaanan…ang paglangoy sa karagatang malalim, maanod, at mapating. Maituturing itong masayang hamon na kasalukuyang kong hinaharap kasama ng anim na kaibigan dito sa The Lonestar State.

Sa isang salita, paano mo ihahalintulad ang karanasan mo bilang isang GCP (Global Careers Program) resource dito sa Texas? at bakit?

Jonathan Herrera: “Home”. Because this is the first time I am able to be with my wife while on GCP assignment; anywhere with her is home.
Rona Grace Dela Cruz: “Zippy?!”. Well, I never really thought it could be full of life since I am here for work. My only expectation is that I will be diagnosed with “workaholic” disease after this assignment. Working as a GCP assignee in Dallas proved me wrong – the Lord is blessing my GCP experience with full of life in all areas of my personality, spirituality, relationships, and my job as well.
Maria Celina Gerbabuena: “Biyahe”. Ang buhay GCP ay parang isang biyahe – may pinanggagalingan, may patutunguhan.
Riza Tating: “Blessing”. I count my GCP experience a tremendous blessing being given the opportunity to further my career and still be able to fulfill wife-and-mommy roles to my family. They say blessings come in different packages. In my case, all came in one big package.
Alan Pagayonan: “Test”. Tester ako eh! When I was in offshore I know System Test, Integration Test and Regression Test. While I’m on my GCP assignment, I learned the other three – (1) Emotional Test: Test to strengthen your emotion far away from your family; (2) Spiritual Test: Test to strengthen the interface between me and Him; and (3) Financial Test: Test to strengthen your decision in terms of expenses and savings. Some of the test cases were passed, but the others are failed. Retesting is in progress but nothing to worry; these can be completed and passed before deployment because testers will increase by three.
Joel Buensalida: “Pamilya”. Kahit nasaang panig ka ng mundo, mayroon kang mga pamilya na masasandalan. Pamilya na iyong kinalakihan at pamilya na tumatayo sa katauhan ng iyong mga malapit na kakilala, kasama, at kaibigan.
Adelfa Sab-it: “Fun”. It is full of challenges, adventures and surprises. I have learned a lot and I am grateful of the opportunity given to me to explore things that I can and cannot do.

The Lakes Fountain

The Lakes Fountain

The Family Karaoke

The Family Karaoke

“Friendship” ang state motto ng Texas. Sa mga nauna at piling talata ay may mababasa kang kataga na “kaibigan”. Sa bawat oras na inilalagi ko dito sa Amerika ay mga “kaibigan” ang umaagapay sa pang-araw-araw na pamumuhay. Pagkakaibigan ang gumagabay sa isang anod patungo sa maayos at mapayapang paglalayag…personally, emotionally, at spiritually.

Home. Zippy. Biyahe. Blessing. Test. Pamilya. Fun.

2 thoughts on “Home. Zippy. Biyahe. Blessing. Test. Pamilya. Fun.

  1. Emotional test, Spiritual test and Financial test… Couldn’t agree more! ^_^ Miss ka na nmen… Uwi ka na! ^__^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s