Word of the Day #101: bonjour


Sabi ni Bob Ong sa aklat niyang Stainless Longganisa (2005), “Napag-isip-isip kong abnormal ang manunulat na walang panulat.” Tama siya. Sa panahong uso na ang mga word processors, sobrang dali lang mag-type ng mga katha direkta sa computer. Napag-isip-isip ko na sa lahat ng mga naisulat ko, mabibilang lang sa daliri yung talagang isinulat ko sa papel o kwaderno. Napag-isip-isip ko rin na matagal na pala akong hindi nagsusulat ng full-length composition gamit ang ballpen o lapis. Para maiba lang, ang mababasa mo ay isinulat ko gamit ang Unipin Fine Line Pen at Staples na papel. Nagkakalyo yata yung ring finger ko. <grin>

bonjour

 

Copy-edited text version:

Word of the Day #101: bonjour

Sa mga luma at bagong kaibigan…

Sa’yo na may bukas na pag-iisip na ang Diablo III ay isang laro lamang
Sa’yo na naniniwala na nanalo si Pacquiao laban kay Bradley
Sa’yo na naniniwala na makakakuha ng championship ring si Lebron
Sa’yo na nirerespeto ang pananampalataya ng ibang tao

Sa’yo na kasundo ko pagdating sa photography at basketball
Sa’yo na magaling lumipad subalit di pa nakikita si Wendy (Peter Pan reference)
Sa’yo na ipinag-drive ko at ipinag-drive ako
Sa’yo na may angkin na galing sa kaniyang mga ginagawa

Sa’yo na ka-buddy sa pagbisita sa iba’t-ibang US states
Sa’yo na kasama sa mga activities at roadtrips dito sa Texas
Sa’yo na palagi nagpapaalala kung kumain na ako o hindi pa
Sa’yo na patuloy na concern sa health condition ko

Sa’yo na kausap sa Skype tuwing Biyernes o Sabado ng gabi ko
Sa’yo na alam kong gusto na akong makita ng personal
Sa’yo na siguradong kakahulan ako pero kakampayan ng buntot
Sa’yo na patuloy kong tutulungan sa abot ng aking makakaya

Sa’yo na patuloy na nagpapasaya at nagpapangiti sa akin
Sa’yo na sinamahan ko sa airport ng dalawang oras sa pamamagitan ng telepono
Sa’yo na walang sawa na ibinabahagi ang mga importanteng pangyayari sa buhay niya
Sa’yo na hanggang ngayon ay walang sawang nakikinig sa mga kakornihan ko

…magkikita rin tayo. Kamusta na kayo?

Kung sinisipag ka pang magbasa, subukan mo tong balikan – Word of the Day #79: adieu.

2 thoughts on “Word of the Day #101: bonjour

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s