Kwentong Third Eye Blind


MTV o Music Television ang isa sa mga nagdulot ng malaking impluwensya pagdating sa musika noong 1990s. Bukod kasi sa naririnig mo ang mga liriko ng kanta ng paborito mong mang-aawit ay mapapanuod mo rin ito sa pamamagitan ng mga pinagkagastusang music videos. Labing limang taon na ang nakalilipas nang bumili ako ng cassette tape ng Third Eye Blind. Magmula nang maging paborito ko ang banda, pinangarap ko na noon pa na mapanuod sila ng live. Kinalakihan ko ang lahat ng kanilang mga awit at liriko. Maituturing ko rin na isang malaking impluwensya ang naidulot ni Stephan Jenkins (bokalista/manunulat) sa mga likha kong katha. Hindi man sila kasing sikat ng U2 at Coldplay, masasabi ko na may sarili silang espasyo sa lugar ng kasikatan. Sa kasalukuyan, nakabenta na sila ng 10 milyong kopya ng kanilang mga albums sa buong mundo.

Third Eye Blind (3eb)…all-time favorite alternative rock band.
Stephan Jenkins…god pagdating sa pagsulat ng lyrics ng kanilang mga kanta.
Isa sa mga nasa bucket list ko sa pagpupunta dito sa US ay ang mapanuod sila ng live.
Dinala ang lahat ng mga koleksyong audio CDs (albums)…sa pag-asa na ma-a-autograph-an.

Isang gabi habang nagbro-browse ng tour dates sa thirdeyeblind.com,
May nakitang akong medyo kalapitan sa Texas na concert nila.
Ito ang estado ng Missouri na 534 milya ang layo magmula Texas.
Nag-book kaagad ng flight para sa concert kasama ang perks na makita ang St. Louis The Gateway Arch.

July 6, St. Louis Fair 2012, open-ground concert proper
Maalinsangan ang panahon subalit may malamig na simoy ng hangin galing sa Missouri River.
Marami nang tao at may mangilan-ngilan na nagbabasakali na makapasok ng libre sa VIP area.
Isa ako sa pinalad na “hindi” nakapasok sa VIP area. Kung bakit mapalad, malalaman mo mamaya.

Isang mahabang metal railings ang pumapagitan sa VIP area at common-ground area.
Ako yung isa sa mga manunuod na nakasalampak lang sa metal railings.
Umasa na mabiyayaan ng libreng VIP ticket na ipinamimigay ng ibang tao.
May mapapalad na nabigyan sa mga katabi ko; ako’y nakontento na lang sa pagkakasalampak.

Naunang umakyat sa stage ang drummer, sumunod ang mga gitarista, at ang pinakahuli ay si Stephan.
“It’s all in your mind, she said the darkness and the light”
“The clock it bleeds for you but you never got the time in right”
Ayos ang opener na kanta, Thanks A Lot. Ito na ang simula ng gabi.

Dala ang pulang Samsung SH100, sinubukan kong kuhanan ng malapitan ang mga pangyayari.
Subalit mas masarap pala talaga sumabay sa pasigaw na pag-awit ng mga kanta kumpara sa paglitrato.
Sumunod na pinatugtog ang Crystal Baller, Can You Take Me, Graduate, at Faster.
Nagkaroon ng mahaba-habang drum solo performance si Brad Hargreaves.

Makalipas ang ilang saglit, pinatugtog ang infamous guitar chords ng Never Let You Go.
“There’s every good reason for letting you go”
“She’s sneaky and smoked out and it’s starting to show”
Festive. Lahat ng manunuod ay umindayog at kumanta sa 1999 hit nila.

Habang lumalalim ang gabi, may mga gate crashers na nagtangkang mag over-the-bakod.
May mga nahuli at may mga nakalusot sa security habang pinapatugtog ang Wounded at Jumper.
Yung katabi kong Afro-American na bata sa gawing kanan ay sobrang cool, humi-headbang.
Yung isang grupo ng American youth sa gawing kaliwa ko naman ay nagkakantahan.

“Every moment of your life is a chance to get it right”
“Any moment you’ve been living in, you could turn it on like a light”
Pamilyar na awit ng grupo subalit hindi ko alam ang titulo noong mga oras na inaawit nila yan.
Monotov’s Private Opera…ikalawang Ursa Major song noong gabi.

Sino ang hindi pa nakakarinig ng kantang catchy at upbeat na Semi-Charmed Life?
Yan ang kauna-unahan nilang single na inilabas magmula sa debut self-titled album noong 1997.
Yan din naman ang kahuli-hulihan nilang inawit sa St. Louis Fair 2012.
“I want something else. I’m not listening when you say, good-bye.”

Nanuod muna ako ng fireworks at pagkatapos ay sumabay sa anod ng mga tao palabas ng The Gateway Arch concert ground.
Kahit hindi ako nakapasok sa VIP area at makita ang paborito kong banda ng malapitan, na-enjoy ko ang 1.5 hours.
Bumalik ako sa tinutuluyang hotel bitbit ang nabiling Ursa Major vinyl album at Third Eye Blind t-shirt.
Saglit na nag-empake. Umidlip. Gumising ng maaga para magtungo sa Lambert – St. Louis International Airport.

Kung inaakala mo na tapos na ang kwento, nagkakamali ka. Nagsisimula pa lang…

Sumakay ng MetroLink magmula Eight & Pine Street hanggang Lambert Airport Main subway station.
Pagdating sa airport proper…nag-print ng boarding pass, pumila at nagpa-scan sa security.
Dahil hindi na nag-breakfast sa hotel, bumili muna ng kape sa Starbucks habang nag-aantay ng boarding papuntang Dallas.
Marami na ring tao sa Terminal C8 ng American Airlines Flight 1695. Naghanap muna ako ng mauupuan sa waiting area.

Nakahanap ng isang bakanteng upuan. Umupo habang humihigop ng mainit na kape. Lumingon-lingon sa paligid.
Sa gawing kanan kung saan mayroong TV screen para sa flight details, may nakita akong isang pamilyar na mukha.
Nakatayo mag-isa at simpleng tumitingin ng flight information habang may nginangatang pagkain (snack mix yata).
Kulang-kulang anim na dipa lang magmula sa kinauupuan ko ay ang bokalista ng Third Eye Blind, si Stephan Jenkins.

Stunned. Tumigil panandalian ang oras. Isang surreal na instance na mapapa-isip ka kung ano bang “tamang” gawin.
Sa concert, hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makita ng malapitan ang grupo o mabigyan ng libreng VIP ticket.
Sa airport terminal, abot kamay ang ibinigay sa akin na pagkakataon at walang VIP ticket na kailangan.
Hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko ang ang sumunod na pangyayari.

Naghanap ng bakanteng upuan ang bokalista ng Third Eye Blind habang ako naman ay parang sniper na nagmasid.
Walang nagtangkang lumapit sa kanya kasi hindi naman siya si Bono ng U2 o Chris Martin ng Coldplay.
Inilapag ko ang coffee container sa tabing upuan. Kinuha ang Ursa Major audio CD album at ang Unipin Fine Line Pen.
Nilapitan ko ba o hindi? Kinuha ko ba ang pagkakataon o hinayaan ko na lang na liparin yun?

Dinampot ko ulit yung nilapag na coffee container at ibinalik sa loob ng bag yung audio CD at ballpen.
Umalis sa kinauupuan. Tumayo at naghanap ng malapit na wash room.
Nagpakalma at bumwelo para matanggal yung casted spell ni Harry Potter. (Hyperbole!)
Nang may makitang bakanteng upuan sa mismong harapan ni Stephan Jenkins, lumapit ako at umupo.

Third Eye Blind's Stephan Jenkins

Third Eye Blind’s Stephan Jenkins

Kinausap, tinanong, nakipagkwentuhan, nakipag-handshake, at pinirmahan ang Ursa Major audio CD album. Ayos!
Sa Dallas pala ang connecting flight niya papuntang California. Kasabay ko siya sa American Airlines Flight 1695.
Suot ang Third Eye Blind t-shirt tinanong ako ng isa sa mga pasahero, “Were you there last night? The concert was great.”
Sa loob ng eroplano, tinawagan ko ang kapatid ko sa Pilipinas. The right word is “surreal”.

Autographed Ursa Major Audio CD

Autographed Ursa Major Audio CD

Just go with the flow. May mga pagkakataong nararapat na makontento ka sa kung anong ibinigay sa’yo. May mga pagkakataon naman na ipinagkakaloob sa’yo ang ilang bagay na hindi mo hinihingi. Huwag kakalimutang magpasalamat sa Kanya.

2 thoughts on “Kwentong Third Eye Blind

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s