Mga dahilan kung bakit nais kong maglakbay sa iba’t-ibang lugar (Asia Edition)


Bakit may mga taong mahilig maglakbay? May nangangarap na libutin ang buong mundo. May nakokontento na lang na libutin ang sariling bansa. May gustong bumiyahe mag-isa. May gustong bumiyahe kasama ang mga mahal sa buhay. Sa kahit anong dahilan pa iyan, isa lang ang masasabi ko — masarap maglakbay sa iba’t-ibang lugar sa kadahilang makakalayo ka panandalian sa “totoong buhay” at mararanasan mong makasalamuha ang iba’t-ibang kultura ng mga tao.

Nais kong magtungo sa iba’t-ibang lugar upang…

Sumayad ang mga paa sa buhanging inaalon ng malinaw at malamig na tubig dagat at makakita ng ghost crab sa Anawangin Island
Anawangin IslandGhost crab of Anawangin Island, Zambales

Gawin ang bagay na hindi pa nagagawa dati — gaya ng pagsakay sa Space Shuttle ng Enchanted Kingdom
Space Shuttle Max of Enchancted KingdomSpace Shuttle Max of Enchanted Kingdom

Makaakyat sa tuktok ng Mount Natib for a cause, makalayo sa sibilisasyon, at makalanghap ng sariwang hangin
Climbed Mount Natib for a causeMount Natib 1253 MASL

Makasama ang mga kaibigan sa pag-akyat ng Mount Batulao, makalayo sa polusyon, at syempre makababa ng safe and sound dala ang mga alaala at kwento
Mount Batulao 811 MASLClimbed Mount Batulao for fun

Makasama ang pamilya sa out-of-town trips at tumalon (kunyari) sa wishing well?!
Infamous Saint Bernard dog of Baguio City named DouglasPatented shot - The Wishing Well

Gawin ang mga bagay na magagawa lamang kapag nasa Pilipinas — gaya ng pagpunta sa Luneta Park at pagkain ng dirty ice cream
Dr. Jose P. Rizal at Luneta ParkInfamous dirty ice cream

Makaranas ng maganda at preserved na kultura (arranged wedding), palasyo (Mysore Palace), sining, musika, pelikula (Rab Ne Bana De Jodi) at pagkain ng India
Gorgeous Mysore PalaceArranged Wedding

Makakuha ng litrato ng ilan sa magagandang arkitektura at malinis na kapaligiran ng Singapore
Esplanade Dome Theatre of SingaporeInfamous Merlion of Singapore

Tara! Samahan niyo akong sumakay ng jeep, bus, kotse, bangka, at eroplano. Libutin natin ang Asya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s