Kwentong Laro (Maglaro ay di biro)


Anong mga nilalaro mo dati? Eh ngayon?
Bakit ka naglalaro? Bakit ka hindi naglalaro?

Namulat ako sa mga larong kalsada – Teks, Jolens, Sipa, Trumpo, Piko, Patintero, Taguan, Luksong Baka, Luksong Tinik, Langit-Lupa, Agawan Base, Tumbang Preso, atbp.
Ito yung mga panahon na uuwi ka sa bahay na pawisan, marungis, at minsan sugatan. Anu’t-ano pa man ang mangyari, tuloy lang ang buhay.
Masarap ang maging bata dahil wala kang ibang iniisip kung hindi maging masaya kasama ang mga kalaro mo.

Namulat ako sa mga larong eskwelahan – Giyera, Tic Tac Toe, Fortune Teller, F.L.A.M.E.S., Trump Cards, Eroplano/Bangka/Relo na gawa sa papel, Palabunutan, atbp.
Ito yung mga panahon na nagpapalipas ng oras sa eskwelahan dahil breaktime, walang titser, o wala pa yung sundo.
Masarap ang maging estudyante dahil wala kang ibang iniisip kung hindi maging masaya kasama ang mga kaklase mo.

Namulat ako sa mga larong bahay – Snake & Ladders, Chess, Scrabble, Bahay-bahayan, laruang padala galing abroad, laruang regalo ng magulang, atbp.
Ito yung mga panahon na kahit nasa loob ka lang ng bahay ay masaya ka pa rin dahil sa mga simpleng mapaglilibangan.
Masarap ang maging anak dahil wala kang ibang iniisip kung hindi pag-aaral, paglalaro, at balang araw makatulong sa mga magulang.

Isang umaga habang nagka-klase yung Elementary titser, inilabas ko yung bagong yellow Matchbox Shovel Nose Tractor diecast.
Napansin ng titser na naglalaro lang ako at di na nakikinig. Ayun, kinumpiska ang kawawang laruan.
Ito siguro ang nag-trigger kung bakit may mga koleksyon ako ngayon na Tomica diecast. Huwag mo nang itanong kung bakit Tomica at hindi Matchbox.

Ang pinakaunang handheld na laruan ko ay ang kulay asul na Kellog’s Start Grand Prix LCD. Free nga lang yata ito sa cereal box.
Anu’t-ano pa man, nalibang ako sa simpleng karera at pagtigil sa pit stops habang may mga race flag animations.
Ang sumunod na handheld game ko ay ang Brick Game na 99-in-1. Dito ako natutong “bumuo” ng mga pangarap.

Alam kong may arcade games at home video game consoles subalit hindi ako nahilig sa mga ganoong uri ng platforms.
Nagsimula akong mamulat sa network computer games noong taong 1999. Panahong nauso ang Counter-Strike (CS); panahong nagsimula si salimPUSA (IGN).
Tuwing walang College professor ay nagre-renta kami sa computer shop upang maging terrorists o counter-terrorists sa online digital world.

Alam kong may Pokemon at Magic cards subalit hindi ako nahilig sa ganoong uri ng card-related collections.
Sa halip ay nabighani ako sa pangongolekta ng NBA cards. Panahong bida-bida ang mga sentro na sila Hakeem Olajuwon, David Robinson, Patrick Ewing, at Alonzo Mourning.
Tuwing may sobrang baon ay bumibili ako ng NBA card sa tindahang nasa labas ng eskwelahan sa isipang tataas ang value noon balang araw.

Nalaro mo ba ang Hangaroo, Text Twist, Snood, at Bounce Out? Sumubok ka rin bang maglaro sa Y8 Games at Yahoo! Games?
Nalaro mo ba ang nostalgic na Snake at Space Impact ng Nokia? Sumubok ka rin bang maglaro ng Minesweeper at Solitaire ng Windows?
Nasubukan mo bang mag-alaga ng virtual pet sa keychain-sized na Tamagotchi? Ako, hindi. Nakikisilip lang ako sa mga ka-klase ko noon.

Nalaro mo ba ang klasik browser games na myBrute at Tribal Wars? Malamang naging bahagi ito ng baseline ng mga kasalukuyang mobile games.
Nalaro mo ba ang The Sims, StarCraft, Red Alert, Cabal, at Diablo? Malamang iniisip mo kung kailan ito magkakaroon ng mobile game version.
Sa Cabal at Diablo nagsimula si misterpogito (IGN). Nga pala, totoong may secret cow (moo) level ang Diablo I, II, at III.

Mayroon akong PSP-2000 na nabili pa sa Singapore subalit di rin naman masyadong nagamit. Aminadong nakisunod lang sa uso dati.
Mayroon akong Xbox 360 at Kinect na nabili pa sa United States. Dance Central at Kinect Sports lang ang madalas laruin – mga pampapawis.
Ang pinakamabisang platform sa panahon ngayon ay ang mga mobile devices na nakakakonekta sa data at madadala mo kahit saan.

Namulat ako sa mga larong mobileQuiz Up, Clash of Clans, Clash Royale, Minecraft, PokemonGo, Asphalt 8, Marvel Future Fight, Rules of Survival, Playerunknown’s Battlegrounds, Ragnarok M Eternal Love, atbp.
Iba ang mga trip ko kaya malamang wala diyan sa listahan ang mga naka-install sa mobile device mo. Isa lang ang sigurado, kahit isa diyan ay narinig o nalaro mo na.
Ang bilis magbago ang teknolohiya. Balang araw ay mamumulat na lang tayo sa katotohanan na nabilanggo tayo sa isang virtual na mundo.

PUBG

ROM

Anong mga nilalaro mo dati? Eh ngayon?
Bakit ka naglalaro? Bakit ka hindi naglalaro?

Leave a comment